Chapter 39

1.7K 81 25
                                    




•••***•••

" Ma'am , ihahatid na po kita"

" Santiago, wala ka bang ginagawa sa buhay at unaali-aligid ka sa akin!??"

" hala grabe sya! Mapagbintang ka ma'am ah!"

" eh anong ginagawa mo?"

" tumutulong lang po sa pagbitbit ng mga gamit nyo patungong classroom nyo. May klase po kayo sa kabilang building"

" kaya ko na. Tapos na klase ko sa inyo, kaya lumayas ka na sa harapan ko"

" ouch!! Eh di sasabay na lang ako sa paglakad sa inyo" . Nagiinarte na naman to! Ang lakas ng loob ng batang to!!

" tigilan mo nga ako! Imbes na mag aral ka, puro kaartehan ang nalalaman mo!" Singhal ko dito. But he just chuckled!

"You're breaking with me?? Sakit sa heart! Sige na nga , saka na lang kita papakasalan pag naging PBA player na ako"

Tinaasan ko ito ng kilay sabay na pinigilan ang sarili ko na batukan ito! " saka mo na lang din ako kausapin pag PBA player ka na" .

" eh inspirasyon ko po kayo.,wag mo na muna akong bastedin!"

", tumigil ka nga sa ilusyon mo! Bumalik ka na nga sa klase mo at-

" labyu ma'am!"

" sarap mong ibagsak!!"

" hahahaa!! Eh di pag binagsak mo ako, magkikita padin tayo next sem! Gusto ko yang ideya-

" isa!"

" oo na po. Aalis na.! Binibilangan naman ako agad!! Bye po.. ingat! "

Di ko na lang ito pinansin at naglakad na ng mabilis tungo sa susunod kong klase! Freshmen! Unang taon pa nga lang sa kolehiyo, puro kalokohan na ang alam!

I took my phone out when it started ringing. Kaklase ko pala ang tumatawag.

" hello.. "

" yung paper natin, dapat nang mapasa ngayong 6!"

" what?? Akala ko ba sa monday pa yun?"

" namali tayo ng intindi. Ngayon na pala dapat ipasa! Natapos mo na yung chapter mo?" I was nodding kahit hindi naman ako kita. Partner ko ito sa research. And luckily, i was able to finish my part ahead of time.

" oo. Tapos ko na. "

" good. Im finishing my chap too.. we could meet at 5 para mafinalize. You in school lang ba?"

" oo , sa cafeteria na lang tayo magkita mamaya. Tatapusin ko na din ang presentation mamaya.. "

" thanks Sarah.. early ko na lang idismiss ang klase ko nang makapunta ako dyan agad" . She's also teaching. High school teacher ito . And she's at her forty's na. Parang nanay ko na, pero kabarkada naman ang turingan namin.

Iba na talaga buhay ko dito. Aral. Trabaho. Bahay. Dyan lang umiikot ang buhay ko ngayon. Kaya naman pala. Kakayanin..

I was exhausted when i reached home. Pagod ako mula sa pagtuturo at klase. Natapos naman namin ang presentation, at maayos naman ito. May date na nga kami kung kailan ang defense, yun nga lang, nakaka drain ng utak! May mga revisions pa kasi. May mga pinatanggal at dinagdag .

" kumain ka muna" yaya sa akin ni Lola.

" itutulog ko na lang po ito , nakakapagod po" sagot ko dito. Nagmano at humalik muna ako sa pisngi nito saka pumasok ng kwarto.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon