•••***•••" hmmm.. " nagising ako dahil sa may kung anong bagay na dumidila sa mukha ko! . Itinatabig ko ang mukha nung sino man ito. Bumalik muli ako sa aking panaginip kung san halos lumapat na ang labi ng lalakeng type na type ko sa labi ko! Ngunit..
" wahhhhh!!!" Sigaw ko sabay na Napabalikwas ako nang bangon, at dahil sa sobrang gulat nahulog ako nang kama!!
Isang malakas na 'Blag' ang narinig ko sabay parang may nakikita akong mga bituin sa kisame! Puchang galawgaw, ang sakit sa balakang nang pagkakahulog ko!!!
" Sarah!!! sarah!! ". Sunod sunod na katok ang naulingan ko. Mukhang gising na din ang lolo't lola ko! Nasa ganung posisyon pa din ako nang mabuksan nila ang pintuan.
" anong nangyari??!!"
" Sarah"
" La , Lo.. aw.. ang sakit ng baywang ko po.. nahulog-
" kaninong tuta yan??"
" huh?" . Imbes na daluhan ako nitong dalawang shonda, si Rio ang nilapitan nang mga ito!!
" ang kyut naman!! " nakita kong binuhat ni Lolo si Rio at dinuyan duyan pa! Si Lola naman ay nilalaro laro ang paa nito! Hala ka!! Di man lang ako tinanong kung ok lang ba ako o hindi??? Ni hindi man lang ako tinulungang makatayo?! Ang saklap ha! Sakit sa heart!
" la, nahulog po ako sa kama" sabi ko habang maingat na tumatayo.
" ang kyut nito. San mo to nakuha , Sarah?"
" lola, ang sabi ko po, nahulog ako sa Kama!"
" narinig kita apo, di ako bingi. San galing ang napaka cute na tutang to??"
" apo,, tumayo ka na nga dyan" sabi pa ni Lolo. "Pakainin na muna natin ang tuta, baka nagugutom na yan"
" Lo!!!! Ako ang apo mo at di yang tutang yan! Ako muna ang pakainin nyo!"
" malaki ka na, kaya mo nang sarili mo" ito lang ang nasabi nito sabay alis ng kwarto ko, at bitbit nang mga ito si Rio.
Nakatunganga ako habang pinagmamasdan ang dalawa na lumabas ng kwarto ko!
Ganun na sila sa akin ngayon, kasi may aso na??? Mas mahal na nila ang asong yon kesa sa akin???!
Bigla naman akong nasigaw ulit sa gulat nung tumunog ang cellphone ko!
"Ano??!" Inis kong bulyaw, nang di tinitingnan kung sino man ang tumatawag!
" oopps! Waking up on the wrong side of the bed?" si Matteo pala ang nasa kabilang linya.
"Nahulog ako sa kama dahil sa tuta mo"
" oohh.. sorry .. did she kick you? " base sa boses nito, alam kong nagpipigil lang itong tumawa!
" tse! Tumawa ka kung gusto mo! "
" hahahhaha! Bakit ka ba nahulog? How are you? "
" ok lang naman. Pero nagulat ako! She licked me!! Akala ko -
" or maybe you dreamed of me, me licking you?"
" argh! Bahala ka sa buhay mo!!" At binabaan ko na ito ng tawag! Sya talaga papanaginipan ko?? Asa sya!
Nagdadabog akong tumayo at kinuha ang tuwalya ko! May kirot pa sa bandang likod ko dahil sa pagkakahulog! Mamaya ka talaga Rio, at itutulak din kita!!
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanficAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.