Chapter 18

3K 89 39
                                    




•••***•••

" Matt! " napabalikwas ako ng bangon nang nagising akong magisa na lang sa kama. Sinanay ko muna ang mga mata ko saka inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Madilim pa din sa loob ng kwarto, di ko tuloy sigurado kung maulan pa din ba sa labas o hindi na.

Napaupo akong maayos saka inaalala ang nangyari kagabi.. ni hindi ko maalala kung paanong may suot na akong tshirt at boxers ngayon. Binihisan ata ako ni Matteo!

" gaga ka talaga Sarah!!" Mahina ngunit madiin kong sabi sa aking sarili. Muntikan ko nang maibigay dito ang isang bagay na iniingatan ko. I almost gave myself to him! At nakakahiya mang aminin, kung di pa ito ang nagpigil, bumigay na ako.

Napalingon ako nang marinig ang pagpihit ng seradura ng pintuan.

" gising ka na pala. " ang nakangiting si Matteo ang bumungad sa akin. " good morning. How's your sleep?" Tanong nito sabay upo sa tabi ko. Agad nitong hinawi ang ilang takas ng buhok na tumatakip sa mukha ko saka nito inilagay sa likod ng tainga ko. " are you hungry? Nagluto akong breakfast natin. Gusto mo bang dito na lang kumain?"

" maulan pa ba?"

" malakas pa din ang ulan. I called Basil already at ipinaalam dito na ako na ang bahalang maghatid sayo pagkatila ng ulan mamaya. At ako na din ang bahalang magpaliwanag sa lolo at lola mo. "

" te-teka, tatawagan ko nga muna sina lolo . Tiyak kong nag aalala na ang mga yon. "

" ako na ang tatawag-

" hinde. Ako na!!" Awat ko sa iba pa nyang sasabihin. " ako na lang. "

" hindi mo ba sasabihin sa kanila na dito ka natulog?" Nakangising tanong nito. At ang mga mata nito naglakbay bigla sa katawan ko! Kaya hinila kong bigla ang kumot saka ito sinimangutan!

" no- hindi pwede. Di mo kilala sina lolo. . Magagalit ang mga yon. Tiyak kong -

" we didnt do anything wrong. Well, we almost -

" stop it. Wag mo nang ituloy! Nakakahiya... "

" bakit ka naman mahihiya??"

" Matt.. please, wag na natin pag usapan.. nahihiya talaga ako."

" ok ok. Sige. Ako ang kakausap sa grandparents mo mamaya. "

"Hah??" Parang wala din akong choice na di sabihin sa lolo at lola ko na dito ako nagpalipas ng gabi??!

" dito ko na dalhin ang breakfast natin. But before that, i'll have my kiss first." Di na ako nakapalag nang ikulong nito sa kanyang palad ang mukha ko, at nilapat ang labi sa labi nito. " can i have you for my breakfast instead?"

" matteo!!!!"

It was past 8 in the morning nang ihatid ako ni Matteo. Dasal ako ng dasal sa loob ng sasakyan nito dahil alam kong raratratin ako ng aral nina Lola ngayon!

" hey. Calm down. I got you." He said smirking! Gagi lang talaga ! Alam na nga nito na kabado ako, di pa siniseryoso ang sabi ko! Kaya nahampas ko itong bigla!

" kita na nga na problemado ako! Pinagloloko pa talaga ako!"

" no really baby, i got you."

" hmmp! " at isang malalim na hugot ng hininga ang ginawa ko nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng gate. Umaambon pa ngunit di ko na iyon alintanan nang mabilis akong bumama at pumasok.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon