Chapter 48

2.6K 84 25
                                    




•••***•••

" i missed you.. " Hindi ko alam kung para kanino ang mga salita nya.. Kay Kaygee ba o para sa akin. .

" uhm- . Kain ka na !"

" did you really miss me tito?"

" yes. I missed you.. " sagot nito. Ang pinagtatakahan ko lang ay kung bakit sa akin ito nakatingin. At nang tingnan ko naman si Kaygee, naka focus lang ito sa pagkain ng burger! Kumagat na lang din ako ng burger.

Lumiit bigla ang mundong ginagalawan namin nina Magtteo. Dapat ba akong matakot? May dapat ba akong ikabahala?

" tita. . "

" oh bakit?"

" are you in a relationship with my Tito again?" . Halos mabulunan ako sa klase ng tanong ng batang ito! Walang preno ang bibig nito!!!Mas dapat ata akong matakot sa bibig ni Kaygee!,

" di ka sasagutin ni Teacher Sarah mo." Sabat ni Matteo. Loko to ah, nangingialam !! "Ask me instead"

" kayo na ulit ni Tita Sarah?"

" nope. " and he even popped the 'p' ! Kainis! Ang bilis sumagot!! Well hindi naman pala talaga kami, so bakit ba ako affected sa sagot nya!

" sayang naman. Akala ko nagkabalikan na" patuloy ni Kaygee .

" nope. At hindi na magiging kami" pagtatapos ko. Kumagat na muli ako ng burger dahil ang dalawang mag tiyuhin, nasa akin na ang mga tingin! "What?? Bakit ganyan ang mga tingin niyo sa akin?"

" she has a beau already. " sabat ni Matteo.

" you didnt tell me " angal ni Kaygee. At ang bata, nakasimangot na!

" alam mo Doc, chismoso ka. Paano mong nasabi na may nobyo na ako?"

" hula ko lang. " kibit balikat nitong sagot.

" chismoso!"

" tita,sinong boyfriend mo?"

" ipapakilala na lang kita sa kanya!" Sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Matteo na wala akong jowa, dahil magmukha akong kawawa! Sya nga may 'Hon' na, aba, di pwedeng wala akong 'babe' !!

" and who told you na hahayaan ko si Kaygee na makilala sya?!"

" bakit naman hindi pwede?" Balik tanong ko dito.

" because im his guardian . And i said so"

" guardian huh" i even made faces! Ngayon, guardian na?? Eh di nga nauuwi ng bahay!

" why? What's with that face Sarah"

" so kailangan kong magpaalam sayo para ipasyal si Kaygee?"

" exactly! Sa akin ka hihingi ng permiso! Dahil pag tinakas mo si Kaygee, kidnapping ang tawag dun"

" excuse me !! Ang over mo! Ni hindi mo nga mabig-

" tita.. it's ok.. kung ayaw akong payagan ni Tito, eh di wag.,he's just my guardian by papers anyway. "

" Kaygee" magkapanabay na sabi namin ni Matt.

" let's eat. Im used to this. You dont have to pretend that you care , tito.. and tita, im happy that you finally found the one who will love you truly. Please have babies na. Im excited to see your future kids , tita.. "

And an awkward silence came after Kaygee's remarks! May kung ano sa puso ko ang naantig dahil sa sagot ng bata.. pero nung tingnan ko si Matt, Nakita ko ang gulat sa mukha ni nito. Alam kong hindi nito napaghandaan ang prankang sagot ng pamangkin..

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon