Chapter 21

3K 91 30
                                        



•••***•••

" saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Matteo. Papalabas na kaya kami ng bayan. Pakiramdam ko tuloy malayong malayo itong pupuntahan namin..

" relax lang baby. Long weekend diba?"

" huh?"

" wala kayong pasok sa monday. Tapos friday pa lang ngayon. Meaning , magkasama tayo hangang monday .."

" hooy teka nga??! Alam ba to nina Lolo??" Tumango naman ito. " paano?? I mean, paano mo sila napapayag , at bakit di ko alam na may trip tayong ganito??"

" surprise trip ko ito for you. "

" hah?"

" we're glamping baby..just the two of us."

" da-dalawa lang tayo?"

" yes. " sagot nito. Inabot nito ang kaliwa kong kamay, sabay na pinagsiklop ang mga ito. He then kissed my hand several times.. "Why can't i function well when you're not beside me? Last night, i was not at my best, kasi wala ka sa tabi ko. "

" hoy ang echos mo! Mag morning shift ka na kasi. "

" then sabay tayong matutulog? Tabi tayo?"

" gagi! Syempre hindi nuh! Dun ka sa bahay mo matulog! Dun ako sa bahay namin"

" kala ko pa naman , tabi na tayo. "

" pero, seryoso.. Anong paalam mo kina Lolo?? At napapayag mo sila?"

" i talked to them. I asked permission. And they know we're not doing anything wrong.. so ayun, pumayag naman. "

" lakas mo sa kanila ah. Ibaaaa!!!!" . Nakakatuwang isipin na nakuha na talaga nito ang tiwala at respeto ng Lola at Lola ko.. Sobrang nakakataba ng puso na may taong binigyan na nila ng pagkakataong makapasok sa buhay namin. At maswerte ako at isang mabuting tao na gaya ni Matteo ang dumating sa buhay ko..

" gusto mo bang matulog muna? Medyo aabutin pa tayo ng isang oras sa byahe.."

" ngayon din ba tayo aakyat ng bundok!! Eh gabing gabi na ah!"

" bukas ng madaling araw .. mag hohotel na muna tayo. Then the guide will pick us up by dawn.. "

Bigla akong napalingon dito. Hotel??? And when i looked at him , he's smirking!! He planned all these!

" Matteo."

" baby??

" iisang room lang ba tayo??"

" yeah. Fully booked eh.. " At nginisihan lang ako nito bago nagpatuloy sa pagmaneho.

Nakarating kami ng isang magarang hotel, at di ko alam kung bakit tila kabado ako. Then i realized, wala naman pala akong inempakeng mga damit?!!

" hoy Matteo!! Teka nga, wala akong damit!" Mahinang hinampas ko ito sa braso dahil tila wala itong pake kung may isusuot ba ako o wala!

" mas gusto ko nga na wala kang suot. " sagot nito. Kaya piningot ko na ang tainga nito! Gago din eh!"aray ko baby!! Joke ko lang yun! Ouch!!"

" umayos kasi ng sagot!!"

" meron po.. ako na po naghanda. Aw aw- aray baby.. " mas lalo kong piningot ang tainga nito.

" asan???"

" nasa room na.. "

" hmmp!! Eh bakit nasa kwarto na? Sinong naglagay?!'"

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon