Chapter 32

2.5K 86 18
                                    





•••***•••

" Baste" masaya kong salubong sa kaibigan ko.

" good afternoon, Sars. Kumusta"

" tagal na nating di nagkita ah" . Nilakihan ko ang pagbukas ng gate sabay na pinapasok ito. "Alam mo, timing talaga pag bisita mo, nagluto kami ni Lola ng biko!"

" naamoy ko na nga!"

" chosero to! Wala naman kayang amoy! "

" hahaha! Tara na sa loob. Timing pala talaga bisita ko dito ngayon, may palibreng meryenda! At tadaaa!" Mula sa likuran nito may nilabas itong isang plastic.

" ano yan?! Bakit di ko nakitang bitbit mo yan!"

" sa gwapong mukha ko ka kasi nakatitig"

" hangin! Akin na nga yan" sabay hablot ko sa hawak nito. And when i opened it .. " wow!! Ice cream!!! "

" parang bata"

" hahahha! Dali na ! Pasok na tayo! Nagutom din akong bigla!" Hinila ko na ito papasok sa amin. Namiss ko din ito! Ang tagal na kaya naming di nagkita.

" hi Lola. " mabilis itong lumapit kay Lola saka nagmano. " masakit pa po ba tuhod nyo?"

" naku , buti naalala mo pa kaming bisitahin dito. Sana nagpasabi ka, nagluto sana ko ng paborito mong ginataang mais! "

" eh nabusy po ako masyado. "

" nagpapayaman kamo!" Sagot ko na ikinatawa nya.

" di mo naman kailangang magpayaman. Mag aasawa ka na ba?" Si Lola. Napakamot batok na lang si Baste sa narinig mula kay Lola.

" la, ganun po talaga pag bachelor! Busy sa mga chicks nya" biro ko

" Sebastian!"

" lola! Joke lang ni Sarah yun! Alam nyo naman po na takot ako na makurot nyo sa singit eh!" Di ko na napigilang matawa ng malakas sa itsura ni Baste. Talagang nilayo nito ang sarili kay Lola!

" hahahaha!! Hoy Baste, ang tanda mo na para kurutin pa ni Lola! "

" baka makurot pa din eh! Alam mo naman si Lola, hobby nya ang mangurot!"

" maupo ka na nga at nang makakain na tayo"

" salamat ah. " naupo ito katabi ko at masayan naman kaming pinagsilbihan ni Lola. Kinumusta lang naman ako nito, but im sure, he's here for another reason.

" so spill it out"

" what?" He asked.

" why are you here, Doc? Anong atin?" . Andito na kami ngayon sa garden at nagpapahangin. Kalong kalong ko si Rio habang naka pamulsa naman itong nakatayo sa harapan ko.

" im leaving. "

" ha? Bakit?"

" i got an offer to one of the hospitals , sa Amerika. I thought, its the best decision id ever make by saying yes to that offer. . I dont know kung kelan ako babalik, but im sure, matatagalan ako doon. Dad's running, and if i stay here, ako naman ang pipiliin nilang pumasok sa pulitika..

... " and you know naman na i never liked being in a politics. Madumi ito. Di matatahimik ang buhay mo. And , its for my own growth na din siguro as a doctor"

" kelan ka aalis? Bakit biglaan naman. "

" in two days. "

" grabe naman. Eh di wala na tayong time magbonding. Alam na ba to ni Basilio??" He shook his head. "Tsss.. basta mag iingat ka dun ah. Facetime mo kami ni Basil. Message mo pa din ako ah. Tsaka wag mo kaming kakalimutan dito ah"

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon