Chapter 20

3K 98 47
                                    




•••***•••

Maaga akong nagising kesa sa nakasanayan kong gising. Alas kwatro pa lang pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Gutom din ako.. Di pala ako nag dinner kagabi , diretso kwarto na ako at natulog..

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga mensahe mula kagabi..

Apat na mensahe muka kay Baste, na tinatanong lang naman kung naka uwi na ba ako at kung ok lang ba ako.. Mahigit sa sampu ang mensahe mula kay Basilio!!! Di ko na binasa, mag uusap naman kami mamaya..

At walang mensahe mula kay Matteo.

" tsss.." talagang wala syang message!! Kainis! " makaligo na nga!! "

Padabog akong tumayo at kinuha ang roba ko! Wala na din sa kwarto si Rio! Or di ko talaga ito ata napasok kagabi..

Mukhang gising na ang lolo't lola ko! May naririnig na kasi akong nag uusap usap sa kusina.

" talaga bang marunong kang magluto??" Boses ni Lola yun. Sino bang kausap nito? " hahahah! Mali ka naman hijo . Hindi yan tama!"

" una po ba dapat ang sibuyas? Diba garlic naman po ang inuuna?" Sagot ng kausap nila..

" matteo.. " bulong ko.

" maski alin pa sa dalawa ang pwede mong unahin. Ang sinasabi kong hindi tama ay ang pagsaing mo. Ulitin mo. Di tama ang tubig."

" sige po."

" baka magising na lang si Sarah at wala pa kayong nalulutong almusal" si Lolo. Umiinom na ito ngayon ng kape. Nakatayo lanang ako sa hamba ng pintuan ng kwarto ko at nakatingin lang sa kanilang tatlo..

" isasaing na po ang kanin, Lo.. Mga 10 minutes lang naman to. At itong cornedbeef with onions and garlic and egg, kayang kaya ko na tong lutuin! Plus, her milk is ready na po. Before 5 am, ready na ang lahat!!"

" siguraduhin mo lang masarap yan!"

" syempre naman lola! Eh with Love po itong pagluluto ko nuh!"

Napatayo ako ng tuwid dahil sa narinig. Tama ba yung narinig ko?? Ay di naman ata. Guni guni ko lang yun. . Love?? Chos!! Mas mabuti pang matulog na lang ulit ako..

Papasok na lang sana ako ulit nang kwarto nang nakita ako ni Matteo..

" good morning baby.. "

" hoy! Hindi na baby ang apo ko, wag kang cheesy sa harapan namin ni Ena!" Basag ni Lolo kay Matteo. Napakamot ulo na lang si Matteo bago ito bumaling muli sa akin.

" ang aga mo namang nagising .. di pa ako tapos magluto.. "

Di ko na muna ito pinansin at lumapit na ako kina Lolo.

" morning Lo.. " hinalikan ko ang pisngi nito bago ako nagpunta kay Lola. " mornig po.. "

" ang aga mo ah?" Si Lola.

" opo eh. Di na ako nakatulog ulit kaya maliligo na lang po ako. " . Nilagpasan ko lang si Matteo at dumiretso na nang banyo. Pero bago ko pa man buksan ang pintuan , humarang na ito.

" good morning baby.. I know you cant bath pag walang mainit na tubig. So i made one.. kukunin ko muna ang kettle then i'll pour the hot water sa pail so you can bath na.. "

" ang conyo mo magsalita." Sabi ko dito.

" ahm , well , you know.. ahm, teka , babalik lang ako. Kukunin ko muna ang mainit na tubig. And . "

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon