•••***•••
" lo, di pa ba kayo tapos ni Matt?? Mag aalas onse na po. "
" hey baby.. Una ka na- hik- matu- log- hik!"
" Lolo naman ih, lasing na si Matteo!"
" im not lash-ing! Diba Lo??"
" oo naman!! Hahahaha! Hindi tayo lasing! Hahahahha!!"
Confirmed! Lasing na lasing na ang dalawa! Naubos na nila ang isang boteng alak! Eh di naman sanay si Lolo uminom! At itong si Matteo, mukhang di rin sanay! Ano ba tong dalawang to!!
Si lola kanina pa tulog! Alas 9 , natutulog na yun! Itong si Lolo naman, lagpas na sa oras ng tulog nya!
" sige na Sarah, mauna ka nang matulog" taboy ni Lolo.
" ilolock ko po muna ang gate!" Paalam ko dito.
" ako na - ako na mag lo- lock! " si Matteo. At nang tumayo ito, pagewang gewang na!
" hindi na! Dyan ka na lang. Saglit lang naman ako. Madapa ka pa, mahihirapan pa akong buhatin ka. Dyan na nga kayong dalawa!!" Irap kong sagot dito. Ngunit tumayo pa din ito at sumunod sa likuran ko.
" baby.. te- teka " di ko pinansin ang tawag nito, at naglakad na ako para ikandado ang gate namin. Buti na lang naipasok na nito ang kotse kanina. . After kong masarado ang gate , nagulat pa ako nang pagharap ko, tumama ang mukha ko sa dibdib nito.
" aw! Ba't kasi sumunod pa!" Irap ko sabay lagpas dito. Naglakad na ako pabalik ng bahay inantay lang na makapasok si Matt para sunod ko naman isasarado ang pintuan. At nang nakapasok ito, mabilis ko namang nilock ang pintuan. "Mauuna na ko matulog! At maligo ka! Amoy alak ! Mag toothbrush ka din!! Hmmp! Goodnight! "
Iniwan ko na ito at pumasok na nang kwarto! Matatanda na sila nina lolo, bahala na silang magkalat dalawa!
Nahiga na ako , at sinadyang iwan ang ilaw na nakabukas. Baka kasi pumasok si Matt, at madapa kung madili ang buong kwarto ko. Inaantok na ako kaya itutulog ko na lang tong inis ko sa dalawang yun! Alak alak alak! Argh!!
Nandoong nagpabaling baling ako sa higaan, naupo, nahiga ulit , kinuha ang cellphone at nahigang muli, ngunit di pa din ako dinadalaw ng antok!! Kainis!
Malapit nang mag alas dose, pero di pa ding pumapasok ng kwarto si Matteo!! Tumayo na ako, at pipilitin ko na talaga ang dalawang yun na matulog!!
Padabog akong bumaba ng kama saka tinungo ang pintuan! Pagkabukas ko, napasinghap ako nang nasa harapan ko si Matteo. .
Hubad baro ito, at bagong ligo. . Bumaba ang tingin ko sa malapad nitong dibdib, pababa sa sa flat nitong tyan na may pa-abs !! And gosh, nakatuwalya lang ito!!!
" mabaho pa ba ako?" He asked me. Agad naman ako nagtaas ng tingin. "Do i smell alak pa din ba? "
" hah??"
" noted baby.. Ayaw mong amoy alak ako. Hmm". He stepped forward and im stepping back!
" si- ahm. Si lolo??"
" asleep.. "
" oh ok.. lets sleep na din" Tumalikod na ako, ngunit di pa ako nakaka dalawang hakbang nang bigla ako nitong hapitin sa baywang..
" baby.. " bulong nito. Kinilabutan ako sa pagtama ng mga labi nito sa batok ko. . He gently trailed kisses on my nape to the back of my ear.. "i love you". He said. .
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.
