•••***•••" mamshie" tawag ko dito. Kakarating ko lang ng bahay nina Basil. Hapon na nga ako nakarating, nasobrahan ako ng tulog kanina. Buti na lang at natawagan ko si mamshie para sabihan ito na papunta na ako, sabay na hinintay naman ako nito sa gate! Literal na inabangan nito ang dating ko!
" Sarah..Sarah!!!!! " agad akong tumakbo at yumakap dito!! Miss na miss ko na ito!! Sobra!! "Miss na miss kita anak ko!!". Ang higpit ng yakap nito, at ang daming halik sa mukha ko ang binigay nito!
" di nyo naman po sinabihan si Basil nuh?" Tanong ko agad sa kanya. "Oh bakit po kayo naluluha??" .
" kasi nak, sobra kitang namiss.. alam mo naman na ikaw ang baby girl ko diba?" Pinahid ko ang mga luha nito, sabay na tumatango tango sa sinabi nito.
" magseselos nyan si Basil. Gusto nya sya baby girl nyo"
" eh baby ko naman yun, pero ikaw, ikaw ang baby girl ko talaga forever. Nak , dalasan mo naman ang pagluwas oh. Eh ako kasi, matanda na kaya di masyadong nakakaluwas na"
" opo. Sige po, dadalasan ko .. " . At nagsisinungaling ako. Iba kasi ang pakiramdam. Di ko maipaliwanag kung ano. Basta..
Kilala ko naman ang lahat ng mga kaibigan ni Basil, kaya wala akong dapat na ipangamba, ngunit, kasabay naman nun ay ang maari nilang maging tanong. Handa ba akong sagutin silang lahat??
Sa likod na muna kami dumiretso. Mukhang madaming bisita, base na din sa mga sasakyang nakaparada.. Alas kwatro na , pero may mga nagsisidatingan padin..
" wala talaga si Sarah! Kainis!!! At hindi nya sinasagot ang tawag ko!!!" Boses ni Basil. Mukhang galit na galit na ito! Nandito kami ngayon sa kusina, at mukhang nagpapalamig ng ulo dito si Basil!!
" pasukin mo na muna ang beshie mo, baka tuluyan ka nang isumpa nun" ani mamshie.
" ahm.. Sino -sino po mga bisita nya?"
" co-teachers at ilang kaklase nyo. Puro mga kaibigan nyo naman ang nandyan."
" ok po. Sige m-
" Beshie!!!!! " and the world stops. Char! Syempre, natigil talaga ang mundo namin dahil sa whistle ni Basil! Tiklop lahat ng biritera sa highnotes nito!!!
" surprise??" Sabi ko na lang.
" sarah!! Sarah naman ih!! " nagpapadyak itong naglakad papunta sa akin. "Baklita ka! Pinapaiyak mo ako!!"
" pasensya na bes, nalate ako"
" gaga!! Wala akong pake kung anong oras ka pa dumating, basta't dadating ka!!! " . Di ko na din napigilan ang maiyak nang yakapin ako nito. Ang dami ko nang utang sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Naging makasarili ako. "Miss na miss na kita"
" miss din kita ng sobra.. sorry na bes.. sorry kasi- kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik.. sorry"
" heh! Shadap! " humiwalay ito saglit sa akin , habang nagpapahid ng luha. "Best birthday gift mo ito sa akin!!"
" ang drama natin!" Naluluha kong sabi. Tumatango tango ito habanh patuloy sa pagpatak ng luha.
" eh kasi naman!!! " at naiyak na muli kami. Miss na miss namin ang isat isa. Paano naman kasi, halos ito na ang kasama kong tumanda! Lahat ng okasyon sa buhay ko, kasama sya! Kaya di na ako magtataka kung bakit ganito kami ka emosyonal ngayon!
" kayong dalawa talaga" si mamshie. " pajoin sa hug nyo! Mga babies ko! "
" baby girls mo mamshie!" Sabi ko. .
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.