Chapter 11

2.4K 85 40
                                        





•••***•••

" i'll get some ointment muna, after natin malinisan , papahiran na lang ng ointment para di na yan humapdi pa.. " sabi ni Matt. Suminghot singhot pa ako dahil masakit talaga ang sugat ko.  " and will you do me a favor?"

" ano.. " tanong ko dito habang tumatangis pa din...

" please stop crying. . You're too cute when you cry, i might kiss you." Nanlalaki ang mga matang mabilis kong pinahid ang mga luha ko. He chuckled and bit his lips before talking again.. "Baby . . . I got to go now before i lose control....,"

" ha? A-ano bang pinagsasabi mo.. " . He just smirked and turned his back and walked away..

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nito. Di ko alam kung seryoso ba ito, o pinaglalaruan lang ako nito. Kanina lang kala mo isa syang dragon na kulang na lang ay bugahin ng apoy ang buo kong pagkatao, tapos ngayon, ang sweet sweet nya na.

Nakita ko ang papalapit na si Baste at Basil..

" you ok?" Tanong ni Baste. " let me wash your wounds first"

" ayoko .. masakit yan!"

" hindi naman.. "

" ayoko.. Mahapdi kasi.. wag na lang , please." Nagsquat sa harapan ko si Baste saka akmang hahawakan ang nasugatan kong binti. Ngunit mabilis kong hinarawang ang kamay ko at hinawakan ang kamay nito, para pigilan ito..

" Sarah, we have to clean it.. " pagpilit ni Baste

" let me do it" dinig kong sabi ni Matteo na nasa likuran na nang mga ito. Nagtaas ako ng tingin at nakita kong titig na titig ito sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Basil. At parang automatic nang bumitaw ang kamay kong nakahawak dito.

" she doesnt want it clean yet.." ani Baste

" move. " matigas nitong sabi. Naiiling na tumayo si Baste at pumalit sa pwesto nito si Matteo. Walang sali-salitang  hinawakan nito ang binti ko at hinila hangang sa dumiretso ito.. "dont be a crybaby " he said.

" Matt, baka naman masakit talaga yan" sabat muli ni Baste

" you're a doctor, at alam mo dapat kung anong level of pain lang ito. You're spoiling her too much , Sebastian."

" Matt-

" aww!!! " di ko napigilang sumigaw! Ni hindi ko nga namalayang nahampas ko ang kamay nito! Mineral water pa nga lang ang binuhos nito sa sugat ko , pero ganun na ang sigaw ko!

" stop moving, para mapadali ang paglinis ko ng sugat mo. " . Di ako nakagalaw nang dumampi ang kamay nito sa binti ko. Tila bigla akong napaso!

And i know he felt it too. With the way he touches my thigh, the way he brushes his thumb on my skin made me feel sensations i can not name! Unang pagkakataon ko itong maramdaman, at naguguluhan ako..

I saw him bit his lower lip as he continue 'cleaning' my wounds!! Muntik na akong mapahiyaw nang napalakas ang pagpisil nya sa binti ko.

" gahh-hd!!!" Pinaningkitan ko ito ng mata , pero kinindatan lang ako nito! Gago!!! Tsansing na to!!!

" Doc., dahan dahan lang , nasasaktan na si Bes ko!" Ani Basil.

" hindi naman kasi to masakit. Masyado lang paBaby itong best friend mo"  He was even emphasizing the word 'Baby' !!

" hindi ako pabebe! Masakit talaga!" Bulyaw ko dito. Muli lang ako nitong kinindatan! Kumpyansa ang hunghang na to na di nakikita nina Basil at Baste an ginagawa nya dahil sa likuran nya ang mga ito!

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon