Chapter 16

2.6K 91 16
                                        





•••***•••

" Bes..," tila nagkaintindihan kami agad ni Basil, kahit na di ko pa naman sinasabi dito ang lahat lahat. Tumango lang ito at inakbayan ako.

Katatapos lang naming mag dinner. And the boys, andun na sila , ready nang tumagay!!

" ma.. " tawag ni Basil kay tita.

" oh bakit? Iinom ba kayo? Magpapaalam kayo sa akin?? Aba oo naman. Pwede na kayong jumoin sa mga kuya nyo!" Mabilis na sabi ni tita.

" ma! Hayaan nyo nga muna akong magsalita! "

" ano ba yun??" Inihinto na nito nang tuluyan ang pagligpit ng pinagkainan namin at humarap na ito sa amin. "Ano?"

" momshie.. uuwi po ako." Sabi ko na ikinagulat nito.

" teka. Bakit naman? Mag aalas syete na. Di ka ba pinayagan ng lolo at lola mo? Sana pala ako ang nagpaalam ng personal sa kanila.-

" ma !!! Talak kayo ng talak. Di kami makasabat. " si Basil.

" eh bakit nak? Bakit ka uuwi. "

" may importanteng lakad sila bukas. Ako na maghahatid sa kanya, babalik lang ako agad. "

" bes.. di mo naman na ako kailangang ihatid. May masasakyan pa naman ako. Tsaka may tricy naman sa labas" ani ko. Sobrang abala na ako sa mga ito.

" at hindi ako papayag na mag commute ka" matigas na sabi ni momshie. " sarah, di ako mapapalagay pag hinayaan kitang umuwi magisa. May sasakyan naman si Basil, sya na maghahatid sa yo. "

" momshie.. " yumakap ako dito sabay halik sa pisngi nito. "Salamat po. At pasensya na po talaga ah. May naunang commitment lang po.. "

" oh sige. Ako nang bahala na mag explain sa tito mo. "

" salamat po. "

" ay magdala kayong ulam .teka, maghahanda ako. At yung cheese cake mo, baka malimutan."

" salamat po!" Sabi ko. Saka ako humarap kay Basil. "Bes, thank you ah. "

" ayusin nyo yan ah. Baka bago pa man kayo mag first monthsary eh break na kayo!"

" grabe ka!. Siguro mag uusap lang kami saglit. Sasabihin ko ang mga bagay na di ko nagustuhan. Siguro we have to lay all our cards para magkaintindihan kami. Ayoko naman din na maghiwalay kami dahil lang sa isang maliit na di pagkakaunawaan."


" go girl! Ihahatid kita sa bahay nila. Pero, mangako kang magpapahatid sa kanya pauwi sa inyo. At tatawagan mo ako pag nasa bahay ka na"


" oo bes. Pangako!"

" hai sarah! Dalaga na talaga ang best friend ko!!"

" heh! Pero Basil, thank you ah.. "

Habang binabagtas namin ang daan tungo sa bahay nina Matteo, di ko maiwasang di isipin ang nangyari kanina..

Habang nasa gitna kami ng dagat at nagkakatuwaan dumating naman si Matteo. Sabi ni momshie, kami daw ni Basil ang hinahanap.. Pero bago pa man kami matawag ni momshie, umalis na ito..

That was the time that i saw him walking fast towards his car, and just a little seconds later, nakaalis na ang sasakyan nito..

" Bes.. salamat ah.. " nasa tapat na kami ng isang mataas na gate, . Madilim na din sa paligid nito at tanging ang ilaw mula sa magkabilaang dulo ang nagbibigay liwanag sa amin.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon