Chapter 45

2.5K 80 25
                                    




•••***•••

" Oh God!!" Ito lang ang nasabi ko! More than myself, mas iniisip ko ang kapakanan ng mga estudyante!!

Gumewang gewang na ang bus na sinasakyan namin, at halos lahat na ay nagsisigawan!

" buset ka manong!!!!" Sigaw ko sa driver.

" ma'am!! Kapit po kayo!"

" great! Ngayon pa!! Ayyyy!!!"

" yung harap po nating sasakyan ang biglang naflat"

" ayyyy!!! " sigaw kong muli! Bigla kasi itong nagbreak!!! At sumubsob ako sa sahig! Natamaan pa ang ulo ko sa bakal , o ang katawan ko ba. Di ko matandaan!! Buysit!

" ok lang po kayo?" Tanong ng driver sa amin lahat. "Ma'am, kayo?" Tatanong tanong pa, nakita na nga nya na halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan!

" letse!! Sabi na kasing wag bilisan!!!"

" ma'am.. " tawag nitong muli sa akin. Sinubukan ako nitong hawakan pero winaksi ko ang kamay nito! Galit ako, bakit ba?!

" ok lang kayo ??" Tanong ko sa mga estudyante. Halos lahat ay nagulat sa nangyari.

" ok lang po kami.. kayo po? "

" ma'am may dugo po sa ulo nyo"

" Sarah!!"

Parang may kung anong mainit na likido ang dumaloy sa mula sa noo ko.. at nang hawakan ko kung ano yun, dun ko lang napagtanto na dugo nga..

" i-ru-rush ka namin sa pinakamalapit na ospital!"

" hah?" Lutang kong sagot. "Di naman masakit" sabi ko.

Nakahinto sa gitna ng kalsada ang bus na sinasakyan namin, ang ibang mga bags mula sa headbin ay nahulog na, some of the students were even crying!

" ok lang kayo??" Di ko pinansin ang tanong ni Aron sa akin. Sinubukan kong maglakad, pero bigla akong nakaramdam ng hilo.. "yun mga estudyante" sabi ko.

Some of our co-teachers were already here , na galing sa kabilang bus. Mukhang nakita nila ang nangyari sa bus namin. Isa isa na silang umakyat sa loob ng bus upang tingnan ang kalagayan namin..

" the ambulance is coming.. kailangan kang dalhin sa ospital.. " ani ng isang kasama namin.

" yung cellphone ko.. "

" Ma'am, upo ka muna" ani ng isang istudyante.

" im ok.. kayo? Kumusta.. "

" ok lang po mam.. bukol lang to.."

Naramdaman ko ang biglang hila ni Ahron sa akin, at ang paglapat nya ng panyo sa noo ko. "It's bleeding. Anong nararamdaman mo?"

" im ok. Sa poste lang ito tumama. Biglang huminto kasi ang gagong driver na yan! Sabi na bagalan ang takbo!!"

Almost an hour after, nasa emergency room na ako, and fate is playing really well, .. At talagang sa ospital nina Matteo pa kami napadpad!!!


" wala bang ibang ospital?" Tanong ko kay Aron.

" ito na ang pinakamalapit! Baka maubusan ka ng dugo!!"

" wala bang iba?"

" tumigil ka! Andito na tayo! At ano bang problema mo sa ospital na to??!" Natigil kami sa pag uusap ng magtanong ang nurse sa amin.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon