Chapter 10

2.1K 75 11
                                    





•••***•••

"Ilang tent ang dala nyo?" Tanong ni Lolo. Kasalukuyan kaming naghahapunang lima at simula na nang interogasyon ng lolo at lola ko kina Basil at Baste..

" tatlo po. Single tent po ang dadalhin namin" ani Baste. " at kumpleto po ako sa first aid kit, at may mga ibang kasabayan din naman po kami. "

" at lolo, safe naman po ang pag akyat dun. May kasama po kaming guides na mag ssleep-over din kasama ng grupo. Bale, di kami bababa sa 10 .. " sabi ko.

" paano ang cr? " si lola.

" may area po doon na ginawang cr.. " si Baste naman ang sumagot this time.

" lola, wag na po kayong mag alala sa akin. Matanda na po ako. Kaya ko naang sarili ko. " singit ko sa usapan nila.

" di mo maalis sa amin na isipin ang kaligtasan mo. "

" Lola., Lolo, . Madami po kami. Mag iingat po kami dun. Please na po, La.. payag na kayo. Frist time ko po na mag camping. Sige na po.. " .Nagkatinginan sina Lolo at Lola bago sabay na bumuga ng hangin!

" ok ok! Payag na kami!" Si Lolo. " pero, wala ni isang bakas ng kagat ng lamok kay Sarah, at kayong dalawa ay malalagot sa akin!"

" deal Lolo!" Mabilis na sagot ni Baste na sinundan naman agad ni Basil

" magdadala akong kulambo!"

" basil!"

" off lotion at lion tiger katol with lavender scent! " patuloy ni Basil.

The whole dinner were full of "do's and dont's" for our camping. Andaming habilin ng lolo at lola ko! Kulang na lang sabihan ko silang dalawa na samahan ako!

Ang higpit. Ang intense ng mga gusto nilang mangyari!

" hey.. ".

" Baste, sensya ka na ha. Mukhang niratrat ka nina lolo nang mga kung ano ano. "

" it's ok.." hinahatid ko na si Baste sa kotse nito. Kina Basil pala ito magpapalipas ng gabi, dahil bukas pa ito babyahe pauwi sa kanila. Kahit na nahihiya ako, wala naman akong magagawa. Ganun kahigpit ang lolo at lola ko..

Isang tipid na ngiti lang ang binigay ko dito. Pinayagan na nga kami, pero nahihiya pa din ako kinailangang pagdaan nina Baste ang interogasyon kasama ng lolo at lola ko.

" pwede ko bang iuwi si Rio??!!! " Bigla akong napalingon nang marinig ang boses ni Basil. bitbit nito si Rio at tuwang tuwa itong kargahin ang tuta! Mabilis ko naman kinuha sa kamay nito si Rio saka tinaasan ng kilay.

" hindi pwede!"

" di ka na nagsheshare ah! Bad yan bess!"

" bahala ka sa buhay mo. "

" greedy ka na bes.. Hmmp! "

" sige na.. goodnight na sa inyong dalawa!" Sabi ko na lang.

" goodnight bes ." bumeso na si Basil sa akin " goodnighy rioo!" At pinangigilan nito ang mukha ng aso! Pero nagulat ako nang sumunod naman si Baste .

" goodnight Sarah.. " sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking mukha.. I saw him smile at me as he wave goodbye..

Naiiling na nangigiti na lang ako habang naglalakad papasok ng bahay..

Hinalikan ako sa pisngi ng childhood crush ko.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon