•••***•••
Its been days, at hanggang ngayon gumugulo pa din sa isipan ko ang text message ni Matteo. Ano bang ibig nyang sabihin dun?? Bukas ng madaling araw ang akyat ko ng Sagada. And yes, mag isa lang ako. Hindi na ko sumama kina Baste, madami naman din pala sila..
May medical mission ang grupo nilang mga doktor, kaya sa araw ng pag akyat ko, ay syang baba naman nila. Sinadya ko din naman talaga na di kami mapang abot. I need a place where i can be alone, and where i could think clearly..
" ingat ka doon. At mag text ka!" Bilin ni Lola. Ayaw nga sana akong payagan ng mga ito na mag punta mag isa. Pinapasamahan nga ako ng mga ito kay Basil, buti na lang at malapit na ang graduation kaya sobrang busy nito sa school. Pagbalik kong galing sagada, ay syang araw naman ng graduation ko..
Fulfilled na ko sa school..Natupad ko na ang pangarap ng mga magulang at lolo't lola ko..
" yung pag iistayan mo dun, text mo ang address. Picturan mo din ang lugar" segunda naman ni Lolo.
" baka nakalimutan nyo po na di na ko bata. " sabi ko sa mga ito. " At apat na araw lang naman po ako doon"
" kahit na! Magtext ka. " si Lola
" opo.. sige na po, matulog na kayo. Nag alarm na ako kaya wag na po kayong mag aalalang gisingin ako. . "
" ewan ko sa pinaggagawa mo! Basta mag iingat ah"
" opo la.. goodnight na po . " isa isa kong hinalikan ang mga ito sa pisngi. "Labyu po mga shonda"
" tulog na kami. "
" ok po.. " tinatapos ko pa ang huling pagtupi ng damit. Kasya na ang mga dala ko para sa ilang araw na bakasyon.. First time ko bang mag solo travel? Iniisip ko kung ito ba ang unang beses, at oo pala. Ito nga ang unang beses na magsosolo ako.
After checking all the things needed, it's time to sleep now..
Sunod sunod na alarm ang gumising sa akin at mabilis akong napabalikwas ng bangon! Ligo lang ang ginawa ko at sobrang excited ko na sa pupuntahan ko.
While inside the bus, nag sscroll na din ako ng mga pwedeng bisitahin! Sa isang transient lang naman ako nag check in, practical na itong lugar for solo traveller. Basta't ang importante, safe ang lugar, malinis ang tutulugan at may sarili kang banyo!
Ano bang gagawin ko sa buhay ko?? Maybe this trip will make me realize that i have to move forward and leave all my past behind me where it should be! I must not dwell much on what had happened in the past, it should be lessons to learn, not a memory to break me!
Ang lamig at ganda ng kapaligiran ang nagpapasaya ng puso ko ngayon. Katatapos ko lang magayos ng gamit ko, at tamang tama itong transient house na tinutuluyan ko, may veranda, at may katapat pang mga bahay. Safe! At habang nakaupo ako at nagtso-tsokalate , naiisip ko ang mga bagay na ginawa ko nitong mga nagdaang taon.
Im flawed. I admit it. Im not perfect, and i will never be. I let my emotions get the best of me at times, most of the times i guess. I regret choices I've made, words I've said in anger. But that's all the things i can never undo.
Now it's time for me to move forward. To make amend with my lost self. I should take baby steps to finally heal my broken soul..
" today is the day of my new beginnings" i told myself. I took my phone out and take a photo of the sky that's filled with clouds. I then posted it on my soc med accounts with captions "Ready to Challenge New Beginnings" . . Masaya kong inilapag sa mesa ang cellphone saka humigop ng tsokolate.
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.
