CHAPTER 22
Arix's point of view
"She's my girlfriend."
Hindi na ako nagulat pa ng sabihin nya iyon.That's what i'm expecting for.Ang totoo nyan,kanina pa ako mayroong ideya kung bakit dinala nya ako dito.
I'm not that slow para hindi malaman ang maaaring maging dahilan ng pagdala nya sakin dito.
"I know."nakangiting sambit ng lalaking mukhang 2nd version ni Cale.
Magkamukha silang dalawa pero madali lang naman alamin kung sino sa kanila si Cale at kung sino ang Kuya nya.Obviously,ang kapatid nya ang laging nakangiti na kabaliktaran naman nya.
"I know na hindi yon totoo."payak syang tumawa na sinabayan pa ng suntok sa kaliwang braso ko.
Uh,ang feeling close din pala ng kuya nya.
Napansin nya atang natahimik kami kaya tumigil sya sa pagtawa."Try harder next time,guys.I'm not easy to fool."
"We're not fool—"hindi na sya pinatapos ng kuya nya.
"By the way,I'm Sandler at your service,Miss?"
"Arix."
"Cool name."he said then wink at me.
"Tsk,bakit kasi ang hirap mong paniwalain?!"naiinis na tanong ni Cale bago tuluyang pumasok sa loob.
I made a face.Great!Iniwan nya talaga ako dito.Ang kapal naman talaga ng mukha -___-
"Sorry for his rudeness,Miss Arix."
Napatingin ako kay Sandler.
Sorry?
Nagsosorry sya?
Para sa kapatid nya?uh,siblings goal.
"It's okay and drop that Miss.Just call me Arix."tugon ko at binigyan sya ng isang ngiti.
Magkaibang-magkaiba talaga sila ng pag-uugali.But meeting them is not bad after all.
Inimbitahan nya ako na pumasok at hindi naman ako tumanggi.Kapag kasi tumanggi ako,wala rin naman akong gagawin.Hindi ako makakauwi dahil naiwan ko ang pera ko saking bag na nasa school.Basta-basta na lang kasi akong hinila,wala pang pasabi tss.
Naabutan kong nakaupo sa sala ang dahilan kung bakit ako nandito.Seryoso syang nagbabasa at mukhang hindi nya nafe-feel ang presensya namin.
Maya-maya lang ay nag-angat sya ng tingin at sumenyas sa akin na umupo sa tabi nya.Hindi naman na ako umarte pa dahil nangangalay na din ako.Hello!Ilang minuto rin kaya akong nakatayo hanggang sa paupuin nya ako,tsk.

YOU ARE READING
She Is My Honey
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.