Chapter 32

12 1 0
                                    

CHAPTER 32

Arix's point of view


Lumipas ang buong araw na hindi ko sya pinapansin dahil hindi ko naman na sya nakita after what I sa-Oh shit!I shook my head at pilit na inalis ang isipin na iyon.Footspa lang!Hindi na rin ako pumunta sa SC office dahil baka masabunutan ko lang si Lily the leech.Really eh,may balak pala talaga silang ituloy ang part 2 ng 'the leech and perverts'.Ang pinagkaiba nga lang isa lang ang PERVERT na kasama nya kanina sa movie.Tsk!



Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa Dorm.And ignoring the gossips around me.Mukhang hindi pa rin ako sanay sa ganito.May iilang estudyante na nginingitian ako pero tango lang ang itinugon ko.Tsk tsk sorry my fellow students,i'm not in the mood to do greetings.Sisihin nyo ang mga pesteng 'yon.



Napatiim bagang na lang ako.Maya-maya lang din ay nasa Dorm na ako.Wala pa dito si Stacey siguro hindi pa sila uwian.Humiga na ako sa kama kahit di pa ako nakakapagbihis ng damit.



Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang kumalabog ang pintuan.Nandoon si Stacey at hingal na hingal.Nagtataka ko syang tiningnan pero hindi ako nagsalita.



"Diba bukas na kayo pupunta sa Allister High,bessie?"tanong nya.



Agad na nagsalubong ang dalawa kong kilay.I gave her how-did-you-know-look.Nginitian nya naman ako ng pagkatamis-tamis bago buksan ang closet nya.May inilabas sya dong color black na dress.



Mahirap i-describe kung anong itsura.But to make it easier,its a simple dress yet elegant.Napa form naman ng 'Oh' ang bibig ko.I get it.She wants me to wear that dress tomorrow.


"Right!This is what you are going to wear tomorrow!"she exclaimed.



I smiled.Not a fake one.Minsan talaga mapapaisip na lang ako na she's not a bad best friend after all.Well,self proclaimed best friend pala.Hindi na ako nagreklamo at hinayaan na lang sya sa gusto nya.



"Ako na din pala ang mag me-make up sayo bukas.I'll make you the most beautiful girl in that event.Sayang lang at hindi ako pwedeng sumama!"she pouted.



Lumapit ako sa kanya and then I pinch her right cheek.I chuckled when I saw how her face crumpled."Can't help it,eh."



Umupo na lang ulit ako sa kama habang nakikinig sa mga sinasabi nya.Pagkatapos naming mag chikahan ay kumain na kami at natulog.I'm sure its a looong boring day tomorrow.



K I N A B U K A S A N




Maagang natapos ang klase ngayon kaya naman dumiretso na agad ako sa Dorm para mag-ayos.Inayusan na ako ni Stacey and I must say ang galing nyang mag make-up.Light lang ang make-up ko dahil panget daw kapag makapal at totoo naman iyon.Nakangiti ako ngayon habang nakatingin sa full length mirror.




Pero agad iyong napawi.Hindi ko rin pala nakita ngayon si Cale sa Campus at kabaliktaran naman kay Lily the leech.Dahil mukha ata akong malas ngayon,lagi ko kasi syang nakakasalubong kanina pero hindi nya ako pinansin at ako rin naman.Tsk,akala ko talaga noong una iba sya.Mukha kasi syang inosente.But looks can be deceiving and I was deceived by her looks before.




She Is My HoneyWhere stories live. Discover now