Chapter 26

23 1 1
                                        

CHAPTER 26

Arix's point of view

Ilang araw na rin ang lumipas mula noong inilibing sila mom and dad.Mahirap pero kinakaya namin.At ilang araw na din pala akong hindi tinitigilan ng imahe namin ni Cale kissing under th—uh shit!


Tulad ng sinabi ko,ilang araw na din akong ginugulo nang mga imahe na iyon.Minsan pa ay bigla na lang iyon susulpot sa isipan ko at minsan pa nga hindi ako makatulog ng dahil doon.


Buti nga at hindi ako ginugulo ng devil na iyon sa mga nakalipas na araw.Hindi ko rin sya nakikita sa buong campus kaya naman thankful talaga ako.

Ngayon na namin itutuloy ang foundation day.Dapat kasi ay nung isang araw pa iyon kaso kinancel daw sa hindi malamang dahilan.Wala naman akong access sa mga desisyon nila dahil wala pa ako sa sarili nang mga panahong iyon.


Hindi na din daw itutuloy ang code booth dahil kinulang na sa oras.Kaya tulad ng mga common booth,ganoon na lang din ang gagawin.



Walang tao ngayon sa hallway,marahil ay nasa ground na ang lahat at ine-enjoy ang mga booth.



Patuloy lang ako sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar nyang pigura na naging dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.




Speaking of the devil.




Mabilis pa kay flash na napatalikod ako nang mapatingin sya sa direksyon kung nasaan ako.




I walked fast when I heard him calling my name.Mabilis lang akong naglalakad hanggang sa may humablot sa braso ko at pilit akong iniharap sa direksyon kung nasaan sya.





My ghad!




"H-hi?"nauutal kong bati sa kanya.




Saglit na tumaas ang kilay nya at nagbalik naman iyon sa dati."Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin.Do we had a problem?"tanong nya sa akin.




Mabilis kong iniling-iling ang ulo ko."A-ah,wala kasi a-akong narinig."




Agh,why am I stuttering?Hell!Act normal,Arix.Normal.Ok.




"Talaga lang huh?Kaya pala you even walked faster when I called you."



Tumalima agad ako sa sinabi nya."Ay,nagmamadali kasi ako."nakangiti kong sagot.




Ganyan nga Arix.Act normal.Smile smile and smile!




"About sa nangyari noong isang ar—"pinutol ko na agad ang sasabihin nya.




My ghad!Io-open up nya pa ang topic na iyon?!Hindi nya ba nahalatang ayoko pag-usapan ang tungkol doon.Deym,hindi ko pa rin talaga makalimutan na wala na ang pinakaiingat-ingatan kong first kiss.




"Got to go,Cale.Bye!"patakbo akong lumayo sa kanya habang kumakaway-kaway.




Nang masigurado kong hindi sya sumunod ay tumigil na ako sa pagtakbo.




She Is My HoneyStories to obsess over. Discover now