Chapter 40

12 1 0
                                    

CHAPTER 40

Arix's point of view





Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa ulan at kulog.Sabayan pa ng pag ring ng cellphone ko.Kinapa ko ang phone sa side table habang nakapikit pa rin at sinagot iyon.





"Sino to?"inaantok kong tanong.





[Still sleepy?]





Idinilat ko ang mata ko para kumpirmahin kung sya nga ang tumawag.At sya nga.He's still on his bedroom voice marahil ay kagigising nya lang din at ang una nyang inatupag ay ang pagtawag sa akin.





"Yeah."i answered.





Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kabilang linya.Ano namang tinatawa-tawa nya?





[Naulan...May payong ka?]





Ibinalot ko muna ng kumot ang sarili ko at dumako ang paningin ko kay Stacey na mahimbing na natutulog.





"Yup.Bakit?"





[Please do me a favor,honey.]malambing na saad nya.





"Hmm."





[Pwedeng sunduin mo ako?Wala kasi akong payong.Malakas pa naman ang ulan.]





"Yah sure.Saan ba?"





[Third floor,room 405 honey.]





"Okay,wait for me."





[Okay.I lov-]





Napindot ko na kaagad ang end call.I bit my lips.Lagot tayo dyan.I dialled his number again at wala pang isang ring ay sinagot nya na agad.





"Iloveyoutoobye!"mabilis kong sabi at pinutol na agad ang linya.Nahihiya pa rin ako tuwing sinasabi ko 'yon.Hindi pa rin kasi ako sanay.





Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag-ayos ng sarili.Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakaligo na ako at nakakain.Gising na din si Stacey kaya naman nagpaalam muna ako bago umalis.Pagkapaalam ay dali-dali kong kinuha ang dalawang payong at dumiretso na sa Dorm ng mga boys.





Pinagtitinginan ako ng mga lalaki doon.Footspa!Natampal ko na lang ang noo ko.Nakalimutan kong bawal pala ang babae dito.Pero nakita na nila ako?At paano ako makakapunta sa room ni Cale?sapusanghayopnagala.





Papasok na sana ako sa elevator ng may grupo ng kalalakihan ang humarang sa akin.Sa paraan pa lang ng pagkakatingin nila ay parang may masama na silang binabalak.Humakbang ako ng paatras ng magsimula na silang lumapit sa akin.





She Is My HoneyWhere stories live. Discover now