CHAPTER 37

12 1 0
                                    

CHAPTER 37

Arix's point of view



Nakatayo ako ngayon sa harapan ng full length mirror at pinagmamasdan ang sarili ko.Pormal na dress lang ang suot ko na binagayan ng 2 inches black heels.Ayoko kasi ng masyadong mataas,hindi ko keri.



"Bestie!Make-up na."magiliw na sabi ni Stacey.Humarap na ako sa kanya at sinimulan na nya ang pag me-make-up sakin.



After a few minutes



"Tadaaaaaa!You look so beautiful na talaga!"malawak ang ngiting papuri nya sa akin.



"Salamat."nakangiti ko ring tugon bago humarap sa salamin para tingnan ang sarili.



Ang ganda ko nga.Bilib na talaga ako sa kapangyarihang taglay ni Stacey Beauty.Haha.



"Andyan na ang sundoooo!"nakangisi nyang sambit.Mukhang mang-aasar 'to mamaya.Hindi ko kasi sa kanya nasabi na si Cale ang sundo ko.Nawala rin sa isip ko eh.



Inalalayan nya ako hanggang sa pintuan at matapos noon ay kumaway na.She even mouthed 'goodluck' before closing the door.Napailing na lang ako sa kakulitan nya.



"Beautiful as ever."



Pinigilan ko ang sarili na ngumiti pero footspa lang!Ayaw makisama ng labi ko.Ending,napangiti ako at feeling ko din namumula ang pisngi ko.Shit!



"Wait!Are you blushing?!"nakangisi nyang tanong.Lumapit pa sya sa akin at pinisil ang magkabila kong pisngi.Ngayon ko lang napansin na nakasuot rin sya ng formal suit na kulay puti.At ang gwapo nya-Hmm,lagi naman syang gwapo.



"Baka matunaw ako."napabalik ako sa katinuan ng sinabi nya iyon.Ghad!Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya.



"T-tara na nga!"shit!Why am i stuttering?Nakakainis.Lupa kainin mo na akoooo!



Nauna na akong maglakad pero hindi pa ako nakakalayo ng may humapit sa bewang ko.Ipinatong nya ang kamay nya sa magkabilang balikat ko at nagsimula ng maglakad.Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad.



"Honey,alam ko namang gwapo ako."sambit nya at saglit na tumingin sa akin.



I smiled.Mas lalo akong na-iinlove sa lalaking 'to."Matagal naman na talaga."sambit ko.



Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pamumula ng tenga nya.Hah!Kinikilig ang kuya nyo."Ang cute mo din."wala sa sariling sabi ko.



Tumigil na sya sa paglalakad kaya napatigil din ako.Tinanggal nya ang pagkakaakbay sakin at hinawakan ang magkabila kong balikat paharap sa kanya.



"Shit!Nakakabakla to!"nakangiwi nyang sambit.



Natawa ako.Hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa expression ng mukha nya.Para syang hindi mapakali na ewan.



"Kinikilig ako."




Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang malakas na pagtawa.I didn't know na may ganito pala syang side.Hindi naman pala sya tulad ng inaasahan ko dati.You just need to be close to him para makita ang ganitong side nya.




She Is My HoneyWhere stories live. Discover now