CHAPTER 33
Arix's point of view
Matapos ang mala 'nakakatangang' nangyari sa kotse ay pumasok na agad ako sa Campus.Dumiretso na din ako sa Auditorium dahil doon daw gaganapin ang event.Habang naglalakad ako sa hallway ng bulungan here bulungan there and bulungan everywhere.
Pero hindi na ako nag-abalang pag aksayahan pa ng oras ang mga walang kwenta nilang pinagbubulungan.Well,most of it ay tungkol sa CDG High.Natural lang naman iyon,as far as I know CDG and Allister are rivals.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit pa nila kailangang imbitahin ang student council and so as Mr Dale Fuentes.I shook my head at sinubukang alisin ang isipin na iyon.
Taas noo akong naglakad.Yung iba ay napapatigil sa mga ginagawa ng dumaan ako.Meron din namang nagbubulungan habang nakatingin sa akin.Well,i think they are gossiping about me.I can't help but to roll my eyes.Seriously,people?Bulungan pa ba 'yon?
Isang malaking silid ang bumungad sa akin.May mga guards din sa tapat ng pintuan at may apat na pila.This must be the Auditorium.Doon ako pumila sa may pinaka konting tao.
Maya-maya lang din naman ay turn ko na.Nginitian ako ng guard na tinugon ko lang ng tango.
"Ano hong pangalan?"he asked.
"Arixine Mae Reyes."
Saglit syang tumingin sa hawak nyang papel at ng mapagtantong nakalista nga ako doon ay pinapasok na nya ako.Bumungad sa akin ang mga maraming tao.Tapos may banda din sa Stage.
Lalakad na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.I turned around at doon ko nakita ang mga taong kanina ko pa gustong makita.
"Nandito ka lang pala,Arix!"nakangiting salubong sa akin ni Clark.
Nginitian ko naman sila at nang mapunta ang tingin ko kay Lily ay nginitian ko na lang din sya.A FAKE ONE.Nginitian nya din naman ako.At syempre dakilang linta at plastic sya,kaya pati ngiti nya nahawa.NAGMUKHANG PLASTIC TULOY.
"Where's Cale?"maarte nyang tanong.
Nakatingin sya sakin at mukhang ako ang tinatanong nya.Umiling na lang ako bilang sagot at napairap ng palihim.Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao?Sya ang linta kaya dapat madikit sya.
Inaya na kami ni Kenzo na pumunta sa table.Sumunod naman na kami at naabutan namin si Cale na nakatingin lang sa kawalan at parang may malalim na iniisip.At dahil nga may dakilang linta kaming kasama,lumapit agad sya kay Cale at ang mas nakakainis pa ay pinulupot nya pa ang kamay nya sa braso nito.
Bahagya naman syang nagulat at napatingin sa akin.Ngumiti lang sya ng pilit.Hah!Pilit mo mukha mo.Gusto mo naman yan!Kainis.At dahil sa sobrang badtrip ako ay nakipagdaldalan na lang ako Kay Clark.Marami kaming napag-usapan at isa na doon ang mga katarantaduhang ginawa ko sa dati kong pinapasukan na school.
Tinanong nya din kung bakit ako lumipat kaya ayun sinagot ko.At nang malaman nya ang dahilan ay parang hihimatayin na sya sa gulat.Tahimik naman ang mga kasama namin.Pero kahit hindi nila sabihin,alam kong nakikinig sila.Napatigil lang kami sa pag-uusap ng biglang halikan ni Lily sa pisngi si Cale habang ito ay nakatingin sa Stage.
Bahagya pa syang nagulat at sa sobrang inis ko napatayo na lang ako.I think I need some fresh air.Inilibot ko ang tingin sa buong paligid.I think the event is going to start pero kailangan ko talaga ng fresh air.Napabalik ang paningin ko sa nagtataka nilang mukha.
"Aalis muna ako."i said.
Nagtanguan na lang sila at bago pa ako umalis napadako ang paningin ko kay Cale na seryosong nakatingin sa akin.Tinaasan ko sya ng kilay tapos nag-iwas na sya.Naglakad na ako papunta sa Garden.May map din naman kaya hindi ako naligaw.
Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid ng Garden.Walang tao dito at malamig din ang simoy ng hangin.Walang duda,bermonths na nga.Umupo ako sa isang bench at tumingala bago ipikit ang mata.
May naramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin.Hindi pamilyar ang presensya nya.A stranger.
"The event is going to start.Why are you still here?"tanong nya ngunit hindi ako umimik.
Idinilat ko lang ang mata ko habang nakatingin sa mga bituin.Pinapangarap ko talagang mahawakan ang mga bituin which is impossible to happen.Ewan ko ba,pero gustong-gusto ko talaga ang mga bituin.
"Galing ka sa CDG?"
Hindi ko ulit sya pinansin.Bakit kaya hindi maintindihan ng mga tao na gusto kong mapag-isa?I frowned.You never tell them kaya ganyan.I shook my head.Did I talk to myself?
"What is your name?"for the third time I ignored his question again.Nag hand gesture ako na umalis sya pero hindi naman sya sumunod.
"Ano ngang pangalan mo?"hindi na ako nakapagpigil at nag-angat na ako ng tingin.
Bahagya pa syang nagulat at umawang ng kaonti ang kanyang bibig.Kumunot ang noo ko.Kilala nya ba ako?Para kasing ang OA ng reaksyon nya.Hindi nga sya pamilyar.Bumaba ang tingin ko sa damit nya.Galing nga sya sa Allister.Dumako ang paningin ko sa gilid ng uniform nya.May nameplate doon.Van ang nakasulat doon.Oh,so he is Van.
"Ano nga kasing pangalan mo?"tanong na naman nya.
He looks nice pero ayokong talagang makipag-usap.Pero kapag hindi ko sya kinausap baka hindi nya ako tantanan.
"Not interested."bagot kong sagot.
Umangat ang sulok ng labi nya.Hindi ko alan kung sa sagot ko ba sya natatawa o sa paraan ng pagsagot ko.Ibinalik ko na lang ulit ang tingin sa kalangitan at pinagmasdan ang bituin na nagniningning.
"So,your name is not interested.How cool."
Napa poker-face na lang ako ng dahil sa sinabi nya.Seriously?Tanga ba talaga sya o sadyang nagtatanga-tangahan lang?Ngayon lang ako naka-encounter na ganitong klaseng tao.Ghad!Is he even thinking?It was supposed to be sarcastic but he took it seriously.
Bumaba ang tingin ko sa phone ko na nasa ibabaw ng hita ko.Nag vibrate ito at umilaw.May nag text.Unknown number lang pero alam kong kay Cale to.Ito kasi ang number na ginamit nya noong tinawagan nya ako.
09*********
Nasaan ka na?Malapit ng magsimula.
Globe....-Ph 6:03 pm
Tumayo na ako at walang pasabing nilisan ang lugar.Hindi naman na ako pinigilan ni Van.Nang makapasok ako sa Auditorium ay nagsisimula na nga.Dumiretso na ako sa table namin at mukhang hindi naman nila ako napansin dahil lahat sila ay nakatingin sa stage.
Napatingin na lang din ako doon.
"...and let me call on our guest for tonight.Please welcome,Mr Dale Fuentes."
*****
YOU ARE READING
She Is My Honey
Novela JuvenilAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.