Chapter 21

13 1 0
                                        

CHAPTER 21

Arix's point of view

"Darn it!Let go of me,bastard!"
panglimang ulit ko nang sinabi iyan pero panglimang ulit na hindi ako pinansin ng lalaking kasalukuyang nakahawak sa wrist ko.

"Shut up,ok?!"sambit nya habang patuloy parin sa paghila sa akin.

Kung saan ako dadalhin ng devil na 'to?Uh,hindi ko din alam!Basta-basta nya na lang akong hinila habang nag-uusap kami ni Ian kanina.

Hindi ko talaga kayang hulaan kung ano ang laman ng utak nya.Geez,ano na naman bang nakain nito?


Marahas nya akong ipinasok sa isang kotse at walang imik na pumunta sa driver seat.

"Hey!Where in the hell are you going to bring me?!"naiinis kong tanong nang sinimulan nya ng buhayin ang makina ng kotse.


Imbis na sumagot ay pinaharurot nya ng mabilis ang kotseng sinasakyan namin na naging dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa kung saan mang pwedeng kapitan.

Hell!Hindi pa pala ako nakaseat-belt.Dali-dali kong kinabit ang seatbelt dahil ayoko pang mamatay.


"Ano b—"


Biglaan syang nagpreno kaya naman mas bumilis ang tibok ng puso ko dulot ng nerbyos.My ghad!


"I said shut up."malamig nyang saad.

"EH S—"hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil pinaharurot nya na ulit ang kotse.


"Or else,ibabangga ko ito."


Nanlalaki ang matang napatingin na lang ako sa kanya at hindi na umimik pa.

The hell!This is suicidal!



_

Cale's point of view

Maya't maya akong napapatingin sa rear mirror para makita si Arix.Nakasimangot lang sya habang nakatingin sa labas.


I wonder,ano kaya ang iniisip nya?O sino kaya ang iniisip nya?


Napangisi na lang ako ng masaksihan ko ang bahagyang pagtaas ng kanang kilay nya.Tsk,marunong rin pala syang manahimik.Parang kasing lagi syang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng boses nya.Worst,lagi pang nakasigaw.Kaya para talaga akong nasa concert lagi.



"Sa daan ka tumingin.Ayoko pang mamatay lalo na't ikaw pa ang kasama,tsk!"sambit nya.



Saglit ko pa syang tiningnan mula sa rear mirror at agad ibinalik ang tingin sa daan.



Katulad nya,ayoko pa ring mamatay lalo na't sya pa ang kasama.Gantihan lang no.


Saglit na katahimak ang namayani sa pagitan namin na sya na mismo ang bumasag.



"Saan mo ba ako dadalhin?"



Seryoso ang mukha nya maging ang boses.Maasar kaya 'to."Hell."sagot ko para mainis sya.



Ewan ko ba,pero mas gusto ko kapag naiinis sya.Hindi ko alam kung bakit at hindi ako interesadong alamin ang maaaring dahilan non.



Sinamaan nya ako ng tingin bago magsalita."Umayos ka nga!"



Saglit ko syang tiningnan sa rear mirror."Maayos naman ako."



"Ha!?Sa lagay mong yan,maayos ka?"



"Oo naman."



She roll her eyes at me.Wews,she always do that.Hilig nya nga ata ang pag-irap."Tsk!Ewan ko sayo."



Hindi na lang ako umimik at ganoon din naman sya.Actually,pupunta kami ngayon sa bahay dahil sa walanghiya kong kapatid.


I will introduce her as my girlfriend para naman tumigil na si Sandler sa kakareto ng babae dahil lang sa gusto nyang magka-girlfriend na ako.Which is impossible to happen dahil wala akong interes sa mga bagay na iyan.But I'm going to make it possible.


Ayoko lang sabihin kay Reyes dahil baka magalit lang sya at hindi pumayag.Tss,knowing her,mas malala pa ata sya sa dragon.



Matapos ang mahigit kalahating oras naming biyahe ay sa wakas nakarating na rin kami.



Pagkapark ko ng kotse ay nauna na akong lumabas.Hindi ko na sya hinintay pa dahil may kamay naman sya para pagbuksan ang kanyang sarili.


Hinintay ko na lang sya sa harap ng pintuan ng mansyon namin.Hindi sa pagmamayabang,pero mansyon talaga ang bahay namin at kami din ang may-ari ng CDG High kaya nga doon ako nag-aaral.


Kami lang ni Sandler ang nakatira dito dahil nasa States ang parents namin.Kakaonti lang din ang kinuha naming maid.Mga hindi lalagpas sa lima,ayaw kasi namin ng masyadong matao na bahay.


"Tsk!"nakasimangot syang bumaba at masama akong tiningnan bago tumingin sa paligid.



"Nasaan tayo?!"tanong nya habang iginagala parin ang tingin sa paligid.


Mukhang wala pa syang ideya kung nasaan at kung ano ang gagawin nya dito.Magsasalita na sana ako kaso pinutol na iyon ng isang lalaki.



"Lil bro!"sinalubong nya ako ng matamis na ngiti before pulling me for a hug.


Mabilis naman syang humiwalay sa akin."Hey,i missed you!"


Sinamaan ko na lang sya ng tingin.Baka akala nya nakalimutan ko na ang ginawa nya noong isang araw.Tsk,napilitan pa tuloy akong makikain ng dahil sa kabaliwan nya.


"Oh—"saglit syang napahinto ng mapatingin sya sa katabi kong nakapoker face.



"May kasama ka palang isang napakagandang binibini."ngumisi sya sakin bago hawakan ang kamay ni Reyes.


Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang tinangka nyang halikan ang kamay ni Reyes.


"Try to do that and you will taste my fist."



Halos matawa ako sa naging reaksyon ni Sandler.Pero agad din iyong nabawi nang tumayo sya ng tuwid na parang walang nangyari.



"You've got a great taste."he gave me his annoying smirk.


I just shrugged my shoulder.I held her hand at ipinakita iyon sa kapatid ko.



"She's my girlfriend."




*****

She Is My HoneyWhere stories live. Discover now