Hiii!Ito na ang chapter 49.Sorry kung natagalan.Yun lang,hindi ko na 'to pahahabain pa.So,here's the Chapter 49!Enjoy reading mwuah.
Follow my accounts:
Fb:Christine Solamo
IG:itsmesuplads
THANK YOU!<3
_binibiningmakata
*****
"Miss Arix,pinapatawag po kayo sa SC Office."sabi sa akin ng isang babae.Tumango na lang ako at nagpasalamat bago sya umalis sa harapan ko.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa direksyon ng Office.Nasa Garden kasi ako kanina at nagpapahangin.Wala din namang klase kaya okay lang na tumambay ako doon.Nagpatawag kasi ng meeting ang dean kaya walang klase.
Tatlong araw na rin ang lumipas simula noong nanghingi ako ng oras sa kanya.Tatlong araw na din kaming walang pansinan.Minsan nga kapag nagkakasalubong kami,sya na mismo ang kusang umiiwas.Hindi ko mabasa ang nasa isip nya dahil laging walang kaekpre-ekspresyon ang kanyang mukha.
Tatlong araw na din at patuloy pa rin akong sinusuyo ni Clyde.Tinatawagan nya ako sa phone pero pinapatayan ko lang sya.Minsan pa ay pumupunta sya dito pero nasasaktuhan namang nasa kwarto ako kaya hindi nya ako nakakausap.Tuwing umaga sya napunta kaya nga nagtataka ako kung bakit wala pa sya ngayon.I look at my watch.Its already 12:31 in the afternoon.Sigh.
Bakit ko nga ba sya hinihintay?Hays.
"Ehem."napabalik ako sa huwisyo ng may tumikhim sa harapan ko.
My eyes widened when I saw him.I calm my self.Gusto ko syang yakapin,gusto kong sabihin at ilabas lahat ng sakit.Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.I want him by my side pero mukhang imposibleng mangyari 'yon sa oras na 'to.
"Aren't you going inside?"aniya habang walang ekspresyong nakatingin sa akin.
"Hindi ako sanay.."wala sa sariling bulong ko.
Nagsalubong ang dalawa nyang kilay dahil doon.Marahil ay narinig nya iyon.Napabuntong hininga na lang ako at nag-iwas na ng tingin.
"Papasok na ako."sabi ko pa.Hindi na sya nagsalita kaya pumasok na ako.
I roamed my eyes in the whole place.Kaagad na nagsalubong ang kilay ko.I turned my back to face him.And as usual,his face is still blank."Nasan ang iba?"
He just shrugged his shoulder at pasalampak na umupo sa sofa na katapat ko.He's looking at me directly.Yung tingin na parang tagos sa buong kaluluwa ko.I look away when our gaze met.
"Wala ka bang balak kumain?Its already lunch."basag nya sa katahimikan.Oo nga,lunch na nga.Pati pagkain ko nakakalimutan ko na dahil sa mga problema.
"I'm not hungry."pagsisinungaling ko kahit ang totoo naman ay gutom na ako.Who wouldn't be kung hindi ka din nag-umagahan?
Tinaasan nya muna ako ng kilay bago nakadekwatrong umayos ng upo.Hindi man lang nya inaalis ang mata sa akin kaya ako na mismo ulit ang umiwas.Muli kong iginala ang mata sa paligid para matuon sa iba ang atensyon ko.But I still can feel that he is looking at me.
YOU ARE READING
She Is My Honey
Novela JuvenilAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.