Chapter 47

15 0 0
                                        

So,here's the Chapter 47!Gusto kong gawin 'tong nakakaiyak pero di ako sure kung maiiyak kayo.HAHA.Enjoy reading mwuah!

Follow my accounts:

Fb:Christine Solamo

IG:itsmesuplads

THANK YOU!<3

_binibiningmakata

*****

Arix's point of view

"Are you ready?"

I nod my head for an answer at dire-diretsong pumasok sa kotse ni Cale.Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako ng pintuan.Pumasok na din sya sa driver seat at maya-maya lang ay pinaandar na nya ang makina.

Naging tahimik ang buong biyahe marahil ay naiisip nya na wala akong balak makipag-usap ngayon.Matapos ang nangyari kahapon ay madalas ko syang hindi kinikibo.Alam ko namang wala syang kasalanan pero bakit nya pa kailangang magsinungaling sa akin?

"We're here."napatingin na lang ako sa labas ng bintana.Nandito na nga kami.Bakit parang ang bilis ng biyahe?

Napitlag ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse.Mukhang nawala ako sa huwisyo kaya't hindi ko napansing nakababa na pala sya sa kotse.

Lumabas na ako ngunit hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa main door nang mapatigil ako.Para akong nakadikit sa kinatatapakan ko.My heart is beating too fast.Napahawak ako sa parteng yon.Shit.Bakit ako kinakabahan?

Napabalik lang ako sa katinuan nang may humawak sa kanang balikat ko.Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Cale na parang nagsasabi ng 'kaya mo yan'.Tipid na ngiti ang nagawa kong isukli.Yeah,kaya ko 'to.

Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muli lumakad.

"Good morning,ma'am Arix.Good morning,sir."bati sa amin ni Manang Fe isa sa mga katulong na pinagkakatiwalaan namin.

Hindi ko na nagawang ngumiti kaya tumango na lang ako at nagtanong."Where's Clyde?"

"Nasa office nya po."nakangiti nyang sagot.

"Thanks,manang."tugon ko at tinahak na ang daan papunta sa office nya.Ramdam ko naman ang presensya ni Cale sa likoran ko.





"Stay here."wika ko nang nasa harapan na kami ng pintuan.

Bakas sa mukha nya ang pag-aalinlangan ngunit wala naman na syang nagawa kundi manatili doon.Pumasok na ako ngunit wala naman doon si Clyde.Nakarinig ako ng kaluskos mula sa restroom,marahil ay nandoon sya.

Tinungo ko ang table nya at naupo sa upuan.Habang wala sya ay nangalikot muna ako ng mga papel trying to find something na tungkol sa pagkatao ko.Ilang minuto pa ang nakalipas ngunit wala pa rin akong nakikita.

Mabilis akong napatayo ng lumangitngit ang pintuan ng restroom.At doon ko nakita si Clyde with his messy hair.Looks like kagigising nya lang.I fake a cough for him to notice my presence.Hindi naman ako nabigo dahil napatingin sya sa akin.

"A-arix?"gulat nyang tanong.

Pilit akong ngumiti at tumango bilang tugon.Lumapit sya sa akin at inayos ang mga papeles na nakakalat sa table."Maupo ka."

She Is My HoneyWhere stories live. Discover now