CHAPTER 39
Arix's point of view
KRING KRINGGGGGGGG!
"Miss Reyes,please stay for a while."aniya at nauna ng maglabasan ang mga kaklase ko.May ibang nagpaalam sa akin pero tinanguan ko na lang sila.
Lumapit ako sa kanya at pinagkunutan sya ng noo.Ano na naman kayang problema neto?
"Why?"nagtataka kong tanong.
"Saan mo naman balak pumunta ngayon?"
"Cafeteria."plain kong sagot.
"Cafeteria?No,you will come with me,honey.Ayoko ng pagala-gala."nakangisi nyang sambit at nauna ng maglakad dala ang mga gamit nya.Sumunod na lang ako.Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Prof Gee kaya sya pa rin ang teacher namin.
Huminto kami sa pintuan ng SC Office at pumasok na.Nandoon silang lahat.Sina Black,Kenzo,Lily at Clark.Pati na rin ang Officers ng Allister na sina Ally,Trish,Jerich,Marky,Drea and of course si Van.
Yung iba ay tumingin lang sa amin ng saglit at yung iba naman ay hindi man lang kami tinapunan ng tingin.Well,wala akong pake.Para namang ikamamatay namin iyon.Dire-diretso akong umupo sa seat ko at umubob sa table.Bale dalawa na ang student council dito sa CDG.Hindi na rin binago dahil mas maganda daw kapag madami.At mas mapapadali din ang trabo,which is truth.
May naramdaman akong umubob din sa table ko at ramdam kong nakatingin sya sa akin.Hindi na ako nag-abalang tumunghay pa dahil amoy palang ay kilala ko na kung sino ito."What do you want to eat?"tanong nya.
"Spaghetti and lasagna.And please a bottle of water."sagot ko habang nakaubob pa rin.
"Clark!Buy us some food.Two spaghetti,two lasagna and two bottle of water.Make it fast."utos nya.Dinig ko pang nag reklamo si Clark pero ang ending sumunod din naman sya.Hindi ko maiwasang mailing.Napaka bossy talaga ng lalaking 'to.
"Inaantok ka pa rin ba?"bakas sa tinig nya ang pag-aalala kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Hmmm."
"Tulog ka na lang mamaya pagkatapos kumain."kahit hindi nakapikit ako,alam kong nakangiti sya.Mukhang may iniisip sya ah.
Maya-maya ay dumating na si Clark kaya tumunghay na ako at sinimulan ng kumain.Pasubo pa lang ako pero gustong-gusto ng bumigay ng talukap ng mata ko.I shook my head at sinimulang mag concentrate sa ginagawa ko.Hindi ko na talaga kaya.Naramdaman ko na lang na may malamig na bagay ang tumama sa labi ko.
Kahit antok na antok na ako ay nagawa ko paring idilat ang mata ko para makita kung ano iyon.He was trying to feed me.I opened my mouth and let him feed me.Ramdam kong may mga matang nakamasid sa amin pero hindi ko na lang iyon pinansin.Tumikhim din si Van na nasundan naman ng parinig ng mga kasama namin dito but we still ignored them.Bahala silang magsawa kakasalita.
YOU ARE READING
She Is My Honey
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.