CHAPTER 43
Arix's point of view
"Ms Arix!!!"mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
"Yes?"nagtataka kong tanong.
Hingal na hingal syang huminto sa tapat ko.Nakatukod ang dalawa nyang kamay sa magkabila nyang tuhod.
"M-may nagpapabigay p-po sa inyo."hingal na hingal nyang sabi sabay abot sa akin ng isang papel.Kung titingnan mo ay para itong isang love letter.Kulay red kasi at may design pang heart.Sa gitna noon may nakasulat na FROM:YOUR ADMIRER TO:Arixine Mae Reyes.
"Thank you."nakangiti kong sambit matapos abutin ang papel."Wait,kilala mo ba kung kanino 'to galing?"pagpigil ko sa tangkang pag-alis nya.
Humarap sya sakin at saka umiling.Tumango na lang ako at umalis naman na sya.He's James Natividad,if I am not mistaken.Sya ang Captain ng basketball kaya naman kilala ko sya.Plus the fact na habulin din sya ng babae.
Muli kong tiningnan ang papel.Pag 'to nakita ni Cale baka magselos na naman?Hays.Itinago ko na lang yung papel sa bulsa ng pantalon ko at naglakad na ulit papunta sa locker.PE Day kasi namin ngayon at lahat kami ay kailangang mag participate kundi babagsak kami.
Pagkadating ko sa locker ay kinuha ko na agad ang PE Uniform ko at saka naghibis.Tapos nilagay ko naman ulit sa locker yung damit na binihisan ko.Mamaya ko na lang babasahin ang sulat.Isasara ko na sana ang locker ko ng may umagaw sa aking pansin.
Kumunot ang noo ko at kinuha 'yon."Ano 'to?"bulong ko.
Nagtatakang binuksan ko ang maliit na kahon na nakita kong nakasiksik sa gilid ng locker ko kani-kanina lang.Pictures ko?What the.
Inisa-isa kong tingnan ang mga litrato.Lahat iyon ay kuha mula sa birthday ko.Pero isang litrato ang pinaka nakaagaw sa atensyon ko.This is me.Pero sino yung babaeng kumarga sakin?Pilit kong inalala kung may kilala ba akong ganong mukha pero wala talaga.
Hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin at tiningnan na ulit ang huling litr—oh sulat?I thought its a picture pero letter pala.Walang nakalagay kung sino ang sender kaya minabuti ko ng buksan.Baka kasi importante.
See you soon,anak.
Matapos kong mabasa iyon ay nabitawan ko agad ang sulat.Oh my ghad!Napatakip ako sa bibig ko.ANAK?puto,bigla akong kinilabutan.Patay na sina Mom and Dad,kaya sino naman ang nagpadala non?Unless—oh shit!Kinikilabutan talaga ako.
"Bestie?"
Sinong nagpadala non?Bakit anak?At see you soon daw?It means,makikilala ko sya soon?At matagal na ba kaming hindi nagkikita?Pero sino 'yon?
"Uy!"halos mapatalon ako sa gulat dahil doon.
"AHAHAHAHAHAHA!OH MY GOSH!what happened to you ba,bestie?!Para kang nakakita ng ghost!"natatawang sabi ni Stacey habang nakaturo sa akin.
Sinamaan ko sya ng tingin.Heck!Muntik na ako doon."Bakit ba?"pigil ang inis na tanong ko.
"Ikaw na lang hinihintay sa Ground."
"Ah,tara na."
Hanggang mag-uwian ay lutang parin ako.I still can't forget the letter.At mas lalo na ang nakasulat doon.Bigla kong naalala na may isa pa palang sulat.Dali-dali ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko at binasa.

YOU ARE READING
She Is My Honey
Novela JuvenilAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.