Chapter 18
Arix's point of view
"Waaah Arix!Huhuhu we will surely miss you!"patuloy parin sa pag-iyak si Alexa pati sina Elle.Tanging si Zia lang ang hindi naiyak.So back to the crying Alexa,kanina ko pa sya pinapatahan dahil grabe talaga syang umiyak.Yung parang mamamatay na ako,uh duh.
"Uhm,bitaw na.Binabasa mo na ang damit ko."sabi ko kasabay ng pagtulak ko sa kanya ng mahina para humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin.
Nandito kami sa airport at nagdadrama.May upcoming movie kasi kami at ire-release yon next year.Just kidding.Hinihintay na lang naming tawagin ang flight nila.
"I don't want to gooo,huhuhu!"her sobs become louder at madami ng mga tao ang napapatingin sa direksyon namin.
Si Alexa,para syang batang nag ta-tantrums dahil hindi nya nakuha ang gusto nya.Uh,this is what I really hate bout' leaving.Mahina ko syang binatukan para naman matauhan na sya."You're making a scene,bruha."saway ko sa kanya.
Pero ang bruha,mukhang wala atang narinig at mas lalo pang nilakasan ang pag-iyak.Magulo na ang mukha nya dahil nagkalat na ang make-up nya plus her messy hair na mas lalong kinapanget nya.Ilang beses ko na syang sinabihan na mukha na syang bruha pero wala parin syang pake.Patuloy lang sya sa pag-iyak at maya-maya lang din ay tinawag na ang flight nila.Pahirapan pa sa pag-alis ng dahil kay Alexa.Naiyak na silang lahat and I hate it.
"Stop crying,witches.Magkikita pa tayong lahat.So bye byeee!See you soon,mwuah!"i waved my hands at tumalikod na through I'm a little bit sad dahil wala na akong magiging kakulitan sa mga dadaang araw.
Lumabas na ako ng airport dahil mahirap na,baka hindi makaalis ang mga bruhang iyon ng dahil sa kadramahan.Sumakay na ako sa kotse at nagpahatid sa Campus.Siguro maglilibang na lang muna ako.Well,i usually went at the mall when I am sad.But,today is different and I don't want to stroll around lalo na at mag-isa lang ako.Yeah,ayoko ng mag-isa kapag malungkot.Gusto kong laging may kasama.
Around twelve in the afternoon na ako nakarating sa Campus.Buti nga at dala ko ang ID ko kaya pinapasok ako ng guard.Isa kasi sa policy ng Campus ang 'No ID no Entry'.That's why I always bring my ID with me,baka kasi sa di inaasahang panahon ay mag ditch ako ng klase.Hindi naman big deal sa Campus ang pag di-ditch ng klase basta ay maipasa mo lang ang lahat ng subjects mo.
Marami ng tao sa hallway dahil lunch na din.Yung iba sa kanila ay binabati ako and I only smile for response.Syemps,i don't want to be rude infront of the Students.I headed on the Cafeteria's direction to get a food.After the server gave the food,i immediately went to the SC office.Doon ako kakain dahil crowded sa Cafeteria.
Naabutan ko silang nakain except kay Cale na busy sa pagkakalikot ng cellphone nya.I sat on the chair na para sakin and start eating my food.Hindi na ako umimik dahil mukhang hindi naman ako nag e-exist sa mundo nila,o sadyang hindi lang nila ako napansin na pumasok.Well,they are busy on their cellphone so I guess hindi nga ata talaga nila napansin ang presensya ko.
"Oh my ghad,guys!NAKITA NYO NA BA?!"halos maubo ako ng dahil sa gulat dahil sa biglaang pagsagot ni Lily.
Napatingin ako sa kanya.And base on her expression,mukhang hindi nya inaasahan ang kanyang nakita.Agh,ano ng ba 'yon?Bakit mukhang gulat na gulat sya?How will you know if you won't ask her?Napailing na lang ako sa naiisip ko.
"Bakit?"nagtataka namang tanong ni Clark.Hindi ko alam kung sa sinabi sya ni Lily nagtataka o baka naman may nakita sya sa cellphone nya na katakataka.Well,hindi ko iyon pwedeng mahulaan dahil sa cellphone nya sya nakatingin.
YOU ARE READING
She Is My Honey
Roman pour AdolescentsAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.