Hi guuuuys!So,ito na ang Chapter 48.Sana magustuhan nyo.Enjoy reading mwuah<3
Follow my accounts:
Fb:Christine Solamo
IG:itsmesuplads
THANK YOU!<3
_binibiningmakata
*****
Arix's point of view
Ilang minuto na ata ang lumipas pero hindi pa rin sya nagsasalita maging ang expression ng mukha nya ay hindi pa rin nagbabago.I don't know but i can't read his emotion right now.How can i kung blangko ang mukha nya?
Yaeh.I think i'm being selfish.Pero kailangan ko lang talaga ng time para makapag isip-isip.You can't blame me kung bakit hinihingi ko ang bagay na iyon.I'm tired physically and emotionally.
Sino nga ba ang hindi?Pinaniwala nila ako na tunay nila akong kapamilya.Tapos ngayon,malalaman ko na lang na kasinungalingan ang lahat?Hindi ko tuloy maiwasang isipin na puro pagkukunwari lang ang ipinakita nila sa akin.
And to break the silence."H-honey."pagsusumamo ko.Alam kong mahirap ibigay ang hinihingi ko sa kanya pero mas lalong mahirap iyon sa akin.
Doon lang ata sya natauhan.Tiningnan nya ako na parang nag-aalangan.Sigh."Bakit?I can help you.Hindi mo na kailangang lumayo pa."aniya.
"B-but,please.J-just this o-once,Cale."
"Hindi k-ko kaya,Arix."
"Yes,you can."pilit akong ngumiti at pinagsaklob ang kamay namin."You can,honey."
Bakas parin ng pag-aalinlangan ang mukha nya.But I know na maiintindihan nya ako."Please."dugtong ko.
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nya,parang kagaya nang mukha ni Clyde kanina.Nagsimula na namang mag-init ang sulok ng dalawa kong mata.Ngunit bago pa iyon lumabas ay nag-iwas na ako ng tingin.
"Just t-this once,Cale."pigil ang iyak na sabi ko pa.
"Fine."seryoso ang tinig na tugon nya.I looked at him with a smile on my face.Kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
I pull him for a hug at paulit-ulit na bumulong ng—"Thank you."Hindi naman sya umimik.Alam kong labag sa kalooban nya ang pagpayag.
Maya-maya lang din ay humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at inaya na syang umalis.Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa labas,iniisip kung ano ang mga susunod na mangyayari bukas at sa mga susunod pang araw.Simula din ng umalis kami ay hindi pa umiimik si Cale.
Bigla tuloy akong napatingin sa unahan kung nasaan sya.Seryoso lang syang nakatingin sa daanan.Pilit kong binabasa ang laman ng isip nya ngunit hindi ko mabasa.In the end ay tumingin na lang ulit ako sa labas at nag patuloy ang tahimik naming biyahe.
"Wake up,honey."naalimpungatan ako sa mahimbing na pagkakatulog ng may maramdaman akong humahaplos sa kanang bahagi ng aking pisngi.
"Hmm."manina kong ungol bago dumilat.
"Nandito na tayo.."sabi nya kaya napatingin ako sa labas.Sigh.Nandito na nga kami.Mukhang nakatulog ako sa pag-iisip.
Bumaba na sya at pinagbuksan ako ng pintuan.He lend his hand infront of me na kaagad ko namang tinanggap.Binalot agad ako ng malamig na hangin pagkababa ko.I looked at my watch na nasa kaliwang bahagi ng aking kamay.Its already 6:15 in the evening pero sobrang dilim na.Mukhang uulan.
"Una na ako."paalam ko ngunit bago pa ako makahakbang ay may pumigil na sa aking kamay.
"Wait..honey."aniya sa malambing na tinig.
Bago pa ako makaharap ay yumakap na sya sa akin mula sa likod.I can clearly smell his scent.Ramdam ko rin ang mainit nyang hininga sa leeg ko giving me a goosebumps.I let out a heavy sigh.Fuck this bullshit!Why is this so hard for the both of us?
"I will miss you..I know you need space,you need time,and i'm willing to give that to you.Just promise me one thing.."saglit syang huminto at bumitiw na sa yakap.Hinarap nya ako sa kanya.
"Sakin ka lang."he said as his lips met mine.It took a second bago tuluyang maputol ang halik.
"I love you.I just need time,honey.And I swear,i'm only yours."
Umangat ang sulok ng kanyang labi at tuluyan ulit akong hinila para yakapin.
"Una na ako?"nakangiti kong sabi.
"Hmm.Take care.I love you."he said then he kissed me again.I can't help but to blushed.Its just a smack but that made a big impact to me!
Tumalikod na ako and we parted ways.Pagkapasok ko sa girl's dormitory kakaonti na lang ang tao.Dumiretso na ako sa kwarto at doon bumungad sa akin ang parang papatay sa inis na si Stacey.
Hawak nya ang kanyang cellphone at kulang na lang ay ibato nya iyon dahil sa inis.Sigaw din sya ng sigaw like—"WALA AKONG PAKEALAM SA KANYA!"
"OH EDI MAKIPAGLANDIAN SYA!"
"PSH!HUWAG MO NG BANGGITIN ANG PANGALAN NYA!"
Napailing na lang ako at hindi na sya pinansin.Pumasok na ako sa CR at nag-ayos ng sarili.
After a few minutes
Wala na sa kwarto si Stacey,baka lumabas.Napabuntong hininga na lang ako ng muli kong maalala ang mga nangyari kanina.
Hindi sila ang tunay kong pamilya.
Ramdam ko na naman ang pag-init ng sulok ng aking mga mata dahil sa isiping iyon.Fuck this life.Ito na ba ang tinatawag nilang karma?Gusto ko lang naman mabuhay ng masaya kasama ang aking pamilya.Pero hindi ko inaasahan na sila pa ang sisira sa kagustuhan kong iyon.
"A-ayoko na."bulong ko sa sarili bago ibagsak ang sarili sa kama.At doon na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.
"I HATE THIS LIFE!"buong lakas kong sigaw habang nakasubsob ang aking mukha sa malambot na kama.
"WHAT A FUCKING l-life!"
Sunod-sunod sa pagtulo ang mga luha ko.Wala na akong pakealam kung may maistorbo ako o kung mabasa man ng luha ang kama ko.Ang gusto ko lang ay ilabas lahat ng sakit dito sa puso ko.
I'm totally a mess.Masakit man isipin pero para lang akong papel na binilog.Binilog muna bago itapon.Tanginang buhay!Ang saya-sayaaaa!
"I ha*sobs* h-hate thi*sobs* this!"
*****
Yo guuuys!So kamusta naman?By the way,medyo matatagalan na talaga ako sa pag u-update.Next week na kasi ang periodical test at marami din kaming projects na kailangang ipasa.Malapit naman na ang sembreak at doon na lang ako babawi.Nga pala,thanks for reading!Mwuah!
Thank you for reading mwuah<3
Follow my accounts:
Fb:Christine Solamo
IG:itsmesuplads
THANK YOU!<3
_binibiningmakata
YOU ARE READING
She Is My Honey
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nalaman mong nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan?Mapapatawad mo ba ang mga taong nagsinungaling sayo?Tunghayan ang mga kasagutan sa istoryang SHE IS MY HONEY.