Chapter 3

45.1K 1K 22
                                    

Yuri's POV

Sa condo kami ni Vince gumawa ng project kahapon. Habang gumagawa ay patuloy ang kulitan naming apat. At si Vince nakikitawa lang.

Nagpadeliver siya ng Pizza at pinag awayan pa naming apat kung anong gusto namin. Sa huli bumili kami ng Pepperoni & Cheese, Hawaiian, Neapolitan at Mockba.

Kumain muna kami bago gumawa pero natuyo ang utak namin at wala kaming maisagot kaya si Vince ang gumawa halos lahat. Nagbigay pa siya ng example ng emotions sa greek gods and godesses.

"Yuri" tawag sakin ni Vince.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang sabi ko dinismiss na tayo ni Sir, kanina ka pa kasi lutang, binigyan niya tayo ng perfect score" sagot naman niya.

Kakaisip ko di ko namalayan na tapos na pala ang oras ng klase namin.

"Thank you ha" tapos ay ngumiti ako ng napakatamis! Hehe pambawi kahapon kasi konti lang naitulong namin sa project.

"W-wala yun" nahihiyang sagot niya.

"Tayo may pinakamataas na grade wooo!! At dahil dyan mag cecelebrate tayo! Libre ni Carol!" sigaw ni Kate at binatukan naman siya nito.

"Ouch!" daing niya.

"At bakit ako?!" sigaw naman ni Carol.

"Ikaw kaya umubos ng pizza kagabi! Si Vince na nga gumastos eh wala man lang siyang kumain!" sagot ni Kate which is true. Wala talagang nakain si Vince =_=.

"Aish! Oo na sige na!" namumula sa hiya ang mukha niya tapos ay dinala niya kami sa isang italian restaurant.

Umorder kami ng pasta tapos parang chocolate drink.

Nakakwentuhan din nila si Vince at alam kong nasiyahan din sila sa pakikipag kwentuhan sa kanya dahil kanina pa kami tawa ng tawa.

Pagtapos nun ay umuwi na kami.

**Kinabukasan**

 

"Saturday is Love!!!!!!" sigaw ni Carol. Nandito sila ngayon sa bahay ko dahil sa movie marathon. Wala naman pasok eh kaya hanggang mamayang gabi kami manonood haha!

*knock knock*

 

Tumayo ako at binuksan yun. "Dad?" oo si daddy ang nasa pinto ng kwarto ko.

He heavily sigh bago magsalita "Sweety we need to talk". Tumabi naman agad sakin yung tatlo. Mga chismosa talaga =_=.

"Honey, I'm sorry, but I fix an arrange marriage for you" deretsong sabi ni dad.

Nalaglag ang panga naming apat sa narinig namin. An Arrange marriage?!

"WHAT?!" di ko sinasadya na masigawan si dad.

"I'm sorry sweety, but dad is leaving out of country" nakikita ko na labag sa loob niya ang ginagawa niya. "Our company in Nigeria has a big problem. May nangyari kasi, for the previous months this year nawawalan ng pera ang kumpanya hanggang sa umabot na yun sa 50 million."

"50 million?!" sigaw nung tatlo.

"Yes mga iha, so I need to get there and fix the problem. Kailangan kong pumunta doon para ayusin ang problema kung hindi ay mas tataas pa sa 50 million ang mawawala, or worst our investors will leave the company" paliwanag ni dad.

Hinawakan niya ang kamay ko "I'm sorry Cheline, gusto ko sanang iwan sayo ang kumpanya pero you're too young to handle our company at isa pa nag aaral ka pa. Matagal akong mawawala at hindi ko alam kung anong mangyayari sa company natin kaya yun lang ang naisip kong paraan. I'm sorry" sincere na sabi ni dad.

Niyakap ko lang siya bago nagsalita. "it's ok dad, I understand." Sinungaling! Hindi ok sayo yun! Tapos ay ngumiti siya ng malungkot.

"Just sign this paper and you're married. Siya mismo ang nagpagawa niyan sa isang judge at pinirmahan niya na agad tapos pinadala niya na lang dito para mapirmahan mo. I don't know the reason pero sabi niya sa susunod na lang daw kayo magkita, he wants his identity to be hidden from you" paliwanag ni dad.

Kinuha ko yung paper and pen tapos pinirmahan ko na. Sa kabila naman ay tinignan ko yung pangalan niya. Walang nakalagay pero may pirma niya na hindi ko pa maintindihan =_=.

Paglabas ni dad ay agad nila akong pinagkaguluhan.

"Ok ka lang?" tanong sa akin ni Lilia.

Of course I'm not! Alam nila ang pangarap ko pag kinasal ako. Gusto ko yung pakakasalan ko yung mahal talaga ako kahit daig ko pa buntis kapag tinopak. Tapos lahat ng paghahanda sa wedding namin ako maghahanda kasama siya. Sabay kami titikim at pipili ng pagkain na ihahanda namin ganun din sa cake tapos sabay kami magpapasukat ng gown at tuxedo T^T pero ngayon wala na!!

Tumango na lang ako dahil wala na din naman ako magagawa na pirmahan ko na eh.

Bumalik na lang ako sa harap ng t.v at pumili ng panonoorin namin.

Goodbye single ladies T^T.

Si Yuri Baby ------------>

VOTE/FAN/COMMENT PLEASE :) ♥ 

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon