Chapter 46 part 1

21.1K 494 22
                                    

Chapter 46

Light Lila’s POV

Kanina pa ako naglalakad ng pabalik balik. Parang may mali talaga eh. Bukod sa nalaman ko nung nakaraang araw, alam kong may tinatago pa siya. Mapagkakatiwalaan ba talaga namin siya?

“Princess, mabubutas na yang sahig kanina ka pa palakad lakad” saway sakin ni Kuya. “Something wrong?” tanong niya nung tinitigan ko siya.

“Kuya, how can you tell kung mapagkakatiwalaan ang isang tao o hindi?” balik tanong ko sa kanya.

“If he’s suspicious. Malalaman mo yun sa kinikilos niya. Why?” Kuya Violet.

“Kasi kuya, I think may isa sa atin ang nagtatraydor eh” sagot ko sa kuya ko.

Sinabi ko kay kuya yung nalaman ko nung nakaraang araw.

“Are you sure princess?” tanong sa akin ni Kuya kaya tumango ako.

“Halika, sabihin natin to kay Seth” hinila niya ako palabas ng kwarto dito sa hideout nila at pumunta ng grounds.

“Baby!” sigaw ni Anthony nung makita niya ako pababa ng hagdan. Magkakasama silang lahat maliban kay ate Yuri.

Nginitian ko si Anthony at hinalikan sa pisngi bago ako dumeretso kay Kuya Seth.

“Kuya we have a problem” bulong ko sa kanya.

Sumeryoso naman ang tingin niya sa akin. Lumapit na din sa amin yung mga kaibigan nila pati sila Carol.

“Tungkol ba ulit to kay Yuri?” tanong ni Kate.

“Hindi, pero tungkol ito sa pagsugod ng mga Carcino” tapos ay sinabi ko sa kanya yung nalaman ko.

“F*ck!” I heard Kuya cuss.

“Anong gagawin natin boss?” Anthony.

“Bantayan niyo siya. Wag kayong magpapahalata, I still have something to do with him.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya.

“Why?” tanong ko. Pero isang magulong salita ang sinabi niya.

“Buhay ang nawala, kaya buhay din ang kapalit”


Yuri’s POV

“Aack!”

“Aaah”

“Ughh!”

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nung mapabagsak ko silang lahat. Nasa hideout kami para mag train, ay mali. Ako lang pala.

Hindi pa din kasi sumusugod ang mga kalaban. Sa susunod na linggo ay babalik ako sa university, hindi ko alam pero yung sabi ng asawa ko. Pero ngayon, kailangan ko munang mag sanay dahil hindi ganun kadali ang mga kakalabanin ko.

“Ang galing mo talaga Yuri” sabi ni Lawrence habang pumapalakpak. Ngumiti lang ako sa kanya. Pumunta ako sa grounds para tignan ang mga tauhan ng asawa ko na nagtetrain din. Pangalawang araw na namin dito sa hideout, at aamin ko na nag eenjoy ako dito!

“Babe” tawag sakin ng asawa ko nung makita niya akong pababa ng hagdan. “Pinatumba mo na naman sila noh?” tanong niya. Tumawa muna ako ng mahina bago tumango. Sumeryoso ako nung seryoso na siyang nakatingin sa akin.

“Bakit?” tanong ko. Hinawakan niya muna ang dalawang kamay ko bago siya magsalita.

“Ayoko sana sabihin sayo to babe, pero alam ko na kung sino ang nakabangga sayo nung gabing yon” pagkasabi niya nun ay unti unting bumalik ulit sakin yung pagkawala ng anak ko. Bago pa man tumulo ang mga luha ko ay pinunasan ko na yun.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon