Chapter 5

42.8K 1K 24
                                    

Chapter 5

Yuri's POV

"Hey Miss are you ok?" nagising ako nung may kumausap sa akin. Nawalan pala ako ng malay? Dumilat ako at tinignan siya.

O/////O patay na ba ako at bakit nasa harap ko ang anak ni Adonis?! Sheyt ang gwapo!! Nakatitig ako sa mukha niya. He has a beautiful dark brown eyes. Brown hair na medyo mahaba tapos yung bangs niya nasa kilay niya na. Pointed nose at kissable lips!!

"Are you ok miss?" tanong niya sa akin. Nawala ang pag lalaway ko sa kanya nung tanungin niya ulit ako.

"I'Im fine. S-salamat." Sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na wala palang ilaw at tanging ilang lang ng cellphone niya ang gamit niya. Takot ako sa dilim kaya medyo napahawak ako sa damit niya.

Napalingon naman siya sakin tapos medyo natawa siya. "What's your name?" nakangiting tanong niya. Kung nakamamatay ang kakiligan malamang naka burol na ko ngayon! I mean come on! Isang gwapong lalaki na may killer smile ang magtatanong sayo ng pangalan mo?

"Cheline Yuri, pero Yuri na lang" sabi ko tapos nginitian ko siya. "I'm Seth Vincent, pero Seth na lang" sabi niya. Naalala ko tuloy bigla si Vince. Simula nun, 5 days ago pag pasok ko sa school di ko na siya masyadong nakikita. Pagtinatanong ko busy daw siya. Nagkibit balikat na lang ako.

Nakaupo kami ngayon. Mga isang ruler ang layo niya sa akin, medyo madilim pa kaya gumagapang talaga yung takot sa katawan ko.

'brrr' ang lamig. Unti unti ng tumatagos yung lamig sa blouse na suot ko.

"You're cold" sabi niya kaya tumingin ako sa gawi niya. Tinanggal niya yung coat na suot niya at pinahiram niya sa akin. "This should warm you up a little" >/////< ang sweet!!

"Thank you!" yun na lang ang nasabi ko sa kanya at hinila pa yung coat pabalot sakin. Medyo malapit na siya sa akin ngayon. Anong oras na kaya? Hinahanap na siguro ako nung tatlo.

Tumayo siya tapos tumingin sa akin at nginitian ako. "We need to get out of here" nakangiting sabi niya sa akin. "How?" tanong ko naman sa kanya.

Tumingala siya kaya tumingala din ako. May bilog sa taas ng elevator at mukhang nabubuksan yun. Tumalon siya at sinuntok yung nakaharang at tumalsik. Tumalon ulit siya at naabot niya yung taas at lumabas siya dun. Pag akyat niya ay sinilip niya ulit ako.

"Here, I'll help you up" sabi niya at inilahad pababa ang kamay nya. Tumayo ako at kinuha yun "Ouch" tumingin ako sa kamay ko na nahawakan niya. Akala ko ba walang kuryente dito sa elevator eh bakit prang nakuryente ako nung hinawakan ko siya? =_=.

"You okay?" tanong niya. Tumango lang ako at hinawakan ulit ang kamay niya. Agad niya akong nahila paitaas.

May napansin akong maliit na ladder na bakal tapos nakadikit sa pader pataas. "We need to climb up there, can you do it?" tanong niya. Tumango lang ulit ako bilang sagot. Pinauna niya ako umakyat at sumunod din naman siya.

"Wag kang titingin sa baba para di ka malula" paalala niya. Derederetso lang kami paakyat at lahat ng nadaanan naming pinto ng elevator ay sarado.

Anong floor na kaya kami? Tatanungin ko sana siya kaso-

*slip*

"Aaahhh!" maikling sigaw ko nung madulas ako kaya napapikit ako. Hinintay kong bumagsak ako pero hindi. Dumilat ako at O///////O

*dubdubdubdubdub*

Sobrang magkalapit ang mukha namin!!! Nakayakap sa akin yung kanang braso niya habang yung kaliwa ay nakahawak sa inaakyatan namin. Yung dalawang kamay ko nakahawak sa dibdib niya.

Ang awkward ng posisyon namin kaya umiwas ako ng tingin pero wrong move! Dahil napatingin ako sa baba!! Natakot agad ako kaya napapikit ako at yumuko sa dibdib niya.

"Don't look down. Can you make it?" tinignan ko siya at tumango ako at humawak na ulit sa bakal paakyat.

Tahimik lang kaming umaakyat. Habang nakatingin ako sa taas ay may nakita akong liwanag. May nagbubukas ng pinto ng elevator!

"Seth! May tutulong na sa atin!" sabi ko ng hindi tumutingin sa kanya. May sumilip na lalaki dun at sumigaw. "Nandito sila!"

Nakarating kami dun at tinulungan kaming lumabas. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang nag aalalang mukha ng mga empleyado.

"Maam Yuri ok lang po ba kayo?"

"May masakit po ba?"

"Naku maam salamat at maayos kayo!"

Yan ang naririnig ko mula sa kanila. Hinarap ko si Seth na ngayon ay nakatayo sa likod ko.

"Thank you" then I smile at him. Ngumiti lang din siya at nag shrug.

"Yuri!!" Napalingon ako sa tatlong boses na tumawag sa akin. Agad nila akong niyakap pag kakita sa akin.

"Nag alala kami sayo! Ok ka lang ba?" Lilia. Ngumiti lang ako sa kanila. Haharapin ko sana ulit si Seth pero pagtalikod ko ay wala na siya. Sayang.

Please VOTE/COMMENT/ FAN :)

Papa Seth-------> Abs! Abs! Abs! *Q* drools

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon