Dedicated to chezz_mee :) thank you sa pag babasa... kung may comment or opinions ka feel free na sabihin sakin :) first time ko lang kasi to eh so pwedeng marami pa akong mali hihi thank you!
Carol’s POV
3 days na ang nakakalipas nung matapos yung intrams namin. Actually dapat hanggang ngayon ay intrams pa rin namin pero opening pa lang ay hindi na natuloy dahil sa masamang pangyayari.
Flashback...
Nandito kami ngayon sa bahay nila Yuri. Naisip kasi namin na sunduin na lang siya, naka leave kasi ang driver niya eh at hindi naman siya marunong mag drive.
“Yuri! Bilis aba! Malelate na tayo!” sigaw ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya.
Tinapat namin yung tenga naming tatlo sa pintuan niya para marinig namin siya. Pero imbis na sagot, nakarinig kami ng hikbi niya kaya naman wala ng katok katok ay pumasok agad kami sa loob at nakita namin si Yuri na umiiyak sa kama niya.
“Yuri bakit? Anong nangyari?” tanong ko.
Hindi siya sumagot pero inabot niya sa akin yung phone niya. Tinignan naman namin yung phone niya at nagulat kami sa nakita namin.
Dalawang picture yun. Sa unang picture, magkasama sila ni Vince tingin ko sa library to, may hawak si Yuri na chocolate habang nakaharap kay Vince tapos si Vince naman yung daliri niya ay nasa gilid ng labi ni Yuri.
Yung pangalawang picture, nakaakbay naman sa kanya si Brian habang nakaupo sa bench. Binasa namin yung caption.
‘I am a b*tch! I have a husband and two more lover. I am a three timer slut’
Agad na kumulo ang dugo ko nung nabasa ko to.
“Sinong gumawa nito?!” di ko sinasadyang napagtaasan siya ng boses.
“Relax Carol, pinepressure mo si Yuri eh” Lilia.
“Isa lang ang naisip kong gagawa niyan.” Kate
Napatingin naman kaming tatlo sa kanya. “Si Stacey”.
Hearing that b*tch’s name gusto ko ng magwala. Hawak ko pa rin ang phone ni Yuri ng mag ring ito. Ako na ang sumagot dahil hindi pa rin tumatahan si Yuri.
“Hello Travis?” agad naman silang napatingin sa akin. Ni-loud speaker ko para marinig din nila.
“Ui girl! Wag na muna kayong pumasok lalong lalo na si Yuri! Mainit ang mga mata sa kanya ng mga estudyante ngayon!” Travis
“What happened?” ako.
“During opening speech ng president natin bigla na lang pinakita sa projector yung picture ni Yuri kasama si Vince at Brian. Pinatigil ng president yung intrams at pinapahanap niya kung sino ang may gawa nun. For now, mas mabuti pa siguro na wag muna kayo pumasok hangga’t di pa nahahanap yung walangyang gumawa nun”

BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AksiOne guy with Two personality. Will you fall for him?