Galelie’s POV
Nanigas kami sa kinatatayuan namin nung mabuksan ni Seth ang pinto.
Carol was lying on the floor at puro sugat. Si Kate ay nasa gilid ng kama at may dugo sa bandang balikat niya. Si Lilia naman ay nadadaganan ng kabinet at may sugat sa ulo.
“Lilia!” natauhan kami nung sumigaw si Violet at tumakbo sa kinaroroonan ni Lilia. Tinulungan ni Anthony si Violet para maalis ang kabinet.
I ran to Carol at nakita ko na may sugat din siya sa ulo.
“Kate, baby gumising ka please” narinig ko naman na sinabi ni Caleb habang hawak niya si Kate.
“WHERE THE HELL IS MY WIFE?!!”
Lahat kami ay napalingon sa pinto nung sumigaw si Seth. Nasira din yung pinto dahil sinuntok niya.
Kate’s POV
“Ouch! Dahan dahan!” daing ko habang ginagamot ni Caleb ang sugat ko sa balikat.
“What happened?!” kalmado pero halatang nanggigilaiti na tanong ni Seth.
Ganito kasi ang nangyari habang wala sila.
Flashback...
“Yuri gising ka na, ang tagal mo na natutulog eh” sabi ni Carol habang pinupunasan ang noo ni Yuri ng bimpo.
“Sana binilhan tayo ng pasalubong ng mga yun” ako.
“Yiie~ kinikilig yan si Kate kasi may Caleb na siya yiie” panunukso ni Lilia.
Aish! >///< ano ba naman yan! Naalala niyo nung tinanong ko si Yuri ng letter? Ang sagot niya sakin letter C. Ang sabi ko yun ang first letter ng pangalan ng lalaking mamahalin ko, at di ko inakala na si Caleb yun! >///<
“Ikaw din naman ah! May Violet! Yiiee!!” balik tukso ko sa kanya.
“Hoy hindi lang naman ako ah! Ayan oh si Carol may Galelie” tapos ay tumawa kaming dalawa.
“Galelie! Galelie! Galelie!” pauulit ulit na sigaw namin ni Lila habang napalakpak pa. Halos mangamatis naman yung mukha ni Carol.
Magsasalita pa sana siya pero biglang nabasag yung salamin sa Verdana at may pumasok na sampung lalaki.
“Sh*t!” bulong ni Lilia.
Naloko na! wala kaming dalang gamit ngayon dahil baka malaman ni Yuri na member kami ng Mafia, although alam niya na yung kila Seth.
Mas natakot kami nung makita namin ang tattoo ng mga lalaki sa gilid ng leeg nila. Letter C ito na nakasulat in Old english tapos may espadang patayo sa gitna. Carcino.
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AcciónOne guy with Two personality. Will you fall for him?