Chapter 14

32.1K 788 8
                                    

Yuri’s POV

“Bye girl! Kita na lang ulit tayo bukas” paalam ni Carol sakin, Naglakad na silang tatlo palayo sa bagong bahay ko.

Oo! Bago! Kasi pagtapos ko makilala yung asawa ko napagdesisyunan ni dad na sa iisang bahay na muna kami tumira tutal wala naman daw kasi akong kasama sa mansion at kailangan din niya bumalik agad sa Nigeria. Yung tatlo eh kailangan din naman umuwi sa bahay nila.

 Curios ba kayo kung sino siya? Well, ganito kasi yan.

Flashback....

Ayaw tumigil sa pagtibok ng puso ko. Kulang na nga lang eh lumabas siya sa dibdib ko at mag rock and roll sa harap ko.

Jusko pag ito talaga matanda di bale ng malugi ang kumpanya wag ko lang malaman na matanda ang asawa ko! Pakakasuhan ko to ng child abuse!

Pagtanggal niya ng maskara niya, di ko maiwasan ang magulat at manlaki ang mga mata.

“My name is Seth Vincent Rutherford, you’re one and only husband”

End of Flashback....

Ang totoo nyan naiinis ako na natutuwa na malungkot. Gulo no? Naiinis ako kasi hindi niya sinabi agad at may nalalaman pa siyang paalis alis at pupunta sa Nigeria.

Natutuwa ako kasi nakilala ko din yung totoong ugali niya at syempre di na namin kailangan maging malinis sa harap ng isa’t isa, bilang mag asawa. Dahil naging magkasama kami bilang magkaibigan.

Malungkot naman ako kasi pano na si Vince? Kaibigan ko pa din siya, parang mag best friend na nga kami eh. Kasi pag wala yung tatlo siya yung lagi kong natatakbuhan. Di ko naman siya pwedeng iwasan na lang dahil sa asawa ko.

“Maam Yuri, nandyan na po si Sir” sabi ni manang.

Lumabas agad ako ng mansion at nakita ko si Seth na inaayos yung pagkaparking ng kotse.

Sheyt! Ang gwapo niya, hoooooo! Peram nga ng pamaypay ang hot niya kasi masyado eh >///<

Lumapit ako sa kotse niya paglabas niya. Nginitian niya agad ako bago siya lumapit sa akin.

“Kumain ka na?” tanong niya sakin.

Umiling lang ako. “Hinintay talaga kita” nakangiting sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Yiiee! Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa mukha ko!! Sobrang pula ko na siguro!

“Halika na kain na tayo” hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa dining.

“Manang! Sabay na po kayo sa amin!” sigaw niya para marinig siya nung mga katulong.

Ito ang una kong nagustuhan sa kanya. Kahit alam nyang nagtatrabaho sila para sa kanya, hindi niya tinuring ito na iba.

“Salamat ho sir” sabay sabay na sabi nila bago umupo. Si Seth yung nasa gitna at ako naman yung nasa kanan niya. Walang nakaupo sa kaliwa di ok alam kung bakit. Tapos mga 2 spaces bago yung mga katulong.

Tahimik lang kami habang kumakain. Pagtapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Akala niyo siguro magkasama kami sa iisang kwarto no? Kahit mag asawa kami gusto niya pa rin ako bigyan ng privacy na ikinatuwa ko naman. Magkatabi lang din ang kwarto namin para kung sakali daw na mag bago ang isip ko pwede ko siya tabihan =_= abnormal talaga.

*tok tok tok*

“Pasok” sigaw ko.

Sumilip muna siya bago pumasok.

“May nakalimutan pala ako ibigay sayo” tama kayo si Seth yun.

“Ano yun?”

Inalis niya yung kamay niya sa likod at nagulat ako ng may hawak siyang bouquet. Magkahalong Versilia Rose at Pink Lisianthus. Ang mahal nito ah!

Kinuha ko yung bouquet at tinignan ko. Di ko maiwasan ang mapangiti.

“Thank you Seth” bulong ko. Umupo naman siya sa kama ko kaya umayos ako ng upo sa tabi niya.

“Anything for you, Yuri” tapos ngumiti din siya.

Medyo naiilang pa rin ako kasi... kasi naman eh! >////< ok sige inaamin ko naging crush ko siya tapos malalaman ko na asawa ko pala! Sinong hindi maiilang dun sige nga!

“Matulog ka na may pasok ka pa sa school bukas.” Inayos niya ako ng higa tapos lumapit siya sa lampshade ko at binuksan yun bago niya pinatay yung ilaw.

“Good night” sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo!! >///<

“Goodnight din” tapos ay lumabas na siya sa kwarto ko. Napaisip tuloy ako bigla.

Mahal na nga ba ako ni Seth kaya niya ginagawa to? O kaya lang ganito kasi asawa niya ako sa papel?

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon