Chapter 45

23.1K 524 16
                                    

ayan na nga bka mabaliw kayo kakahula xD charot...

pa vote qng nagustuhan nyo :3

.................................

Chapter 45

Light Lila’s POV

Matapos ang tatlong araw ay inilabas na din si Ate Yuri sa ospital. Walang ibang nakakaalam nito bukod sa amin na kasama niya sa ospital at sa mga nagligtas sa kanya. Kahit sila Kuya Nite at Brian ay hindi ito alam. Hihintayin daw muna ni Kuya Seth na makalimot si Ate Yuri bago niya ipaalam.

Ang totoo niyan, nitong tatlong araw na pamamalagi namin sa ospital, kakaiba din ang kinikilos ni Kuya Adrian. Tahimik lang siya palagi at hindi niya kinakausap si Kuya Seth. Hindi ko na lang yun pinansin dahil mas mahalaga ngayon si Ate Yuri.

“Iwan mo muna ako!”

Nakarinig na naman kami ng sigaw mula sa kwarto ni Ate Yuri. Magmula nung umuwi siya, palagi na siyang ganyan. Inaasikaso at sinusuyo siya ni Kuya Seth pero palagi niya itong sinisigawan. Nakakulong siya sa kwarto at walang ibang ginawa kundi ang umiyak.

Nakita namin si Kuya Seth na papalapit sa amin. Sumandal siya sa kitchen counter at tumingala.

“Kuya?” tawag ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim at humarap sa amin.

“Tara bar tayo” aya niya sa apat na lalaki. May namumuong luha sa mga mata niya pero agad siyang umalis at naglakad palayo para hindi namin makita ang pagtulo nun. Wala naman ibang nagawa ang kuya ko pati ang mga kaibigan niya kundi ang sumunod.

“Stay here princess. Call me or text me kapag uuwi ka na okay?” sabi ni Kuya sa akin at tumango lang ako.

Nagtataka ba kayo kung palagi na nila akong kasama?

Masyado na kasing busy si Ate Bianca kaya minsan hindi siya umuuwi sa mansyon. Minsan 3 or 4 days bago siya umuwi, sakto naman dahil nakakapunta ako dito. May tracker ako remember? Kaya alam ko kung nasaan si ate.

Galelie’s POV

Pagkarating pa lang namin sa bar ay umorder na agad si Seth ng isang case ng alak. Tinungga niya na agad yun deretso sa bote at hindi na nag abalang gumamit pa ng baso. Kaming apat? Heto nakatingin lang sa kanya.

“Seth, don’t do this to yourself. Sarili mo lang din ang pahihirapan mo” pag aawat ni Violet dahil nakakatatlong bote na siya.

“Nah, ok lang ako. Kaya ko pa naman eh” sagot ni Seth at tumungga ulit sa bote niya.

“Alam namin na nahihirapan ka na, pero please! Hindi mo ba naiisip? Kailangan ka ni Yuri!” pangungumbinsi ko.

“Eh ako? Kailangan ko din naman siya ah” makahulugang sagot niya. Natahimik kami dahil totoo naman. Masakit mawalan ng anak, di ko pa nararanasan pero maisip ko lang na mawala sakin ang kakambal ko nasasaktan na ako. Kahit ba g*go to si Anthony mahal ko to.

“Kausapin mo siya Seth. Maaaring malungkot at mahina si Yuri ngayon, pero ikaw lang ang makakapitan niya Seth. Parehas kayong nawalan, pero ikaw ang lalaki. Mas kayanin mo” Caleb.

“Kung pareho kayong mahina, walang mangyayari” dugtong ni Anthony.

Nagulat kami at natahimik nung biglang nabasag yung hawakan ng long neck dahil sa sobrang higpit ng hawak niya. Puro dugo na ang kamay niya pero hindi niya alintana yun. Nakayuko lang siya ng matagal. Maya maya pa ay narinig namin ang mahina niyang hikbi.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon