Chapter 46 part 2

20K 510 10
                                    

Adrian’s POV

Galit na galit sakin ang mahal ko dahil sa nalaman niya. Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Lasing ako nun at kakagaling ko lang sa bar dahil sa sobrang kalungkutan.

Bumalik na naman sakin ang nakaraan, noong wala pang Seth sa buhay namin.


(Flashback nung nasa bar siya)


Nakita ko ang isang batang babae na palabas ng bahay nila kaya lumapit ako sa kanya.

“Hi Yuri” bati ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sakin at ngumiti. “Hello Kuya Adrian” she always call me kuya dahil mas matanda ako sa kanya ng 5 years. Bata pa lang ako, may nararamdaman na akong kakaiba sa kanya.

“Kuya Adrian, do you really have to go?” tanong niya sa akin habang umiiyak. Sila Lilia, Carol at Kate ay umiiyak din habang nasa likod niya.

“Oo eh. Dun na daw ako mag aaral sa states sabi ni dad” malungkot na saad ko kaya lalong umiyak yung batang si Yuri.

“Ssshh.. wag ka na umiyak. Promise pag uwi ko, malaki na ako. At pag uwi ko dito, papakasalan kita” pagkasabi ko nun ay tumahan siya “I love you Yuri” 11 years old lang ako, pero alam ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

“I love you too Kuya! Ikaw lang ang kuya ko bukod kay Kuya Nite. Promise!”


Nilagok ko ang pang sampung shot ng alak. Akala ko puppy love lang yun kasi ilang taon lang ako nun. Pero habang tumatagal, nadiskubre ko na mahal ko talaga siya. Nambabae ako dahil gusto ko siya kalimutan pero wala pa rin. Hanggang sa isang araw ay may nabalitaan ako sa papa ko.

“Anak, you should congratulate your cousin Seth” masayang bati sakin ni Papa.

“Why dad?” tanong ko.

“He’s already married anak. Ang swerte ng napangasawa ng pinsan mo, Seth is a smart and kind kid. He is a great successor of his father.” Sagot ni dad.

Although kahit hindi kami ganun ka-close ni Seth dahil nasa America ako, I’m still happy for him. I hope one day, ikasal na din ako. With Yuri.

“Anong pangalan ng asawa niya dad?” natanong ko out of curiousity.

“Hmm, Sa pag kakaalala ko anak ni Max yun eh. Cheline Yuri Villafuente I think?” tila gumuho ang mundo ko sa sinabi ni dad.

“S-sigurado po kayo?” paninigurado ko.

“Of course! Matagal ng pinag planuhan ni Max at Rafael ang kasal ng anak nila. Hinintay lang nila yung tamang oras at ito na yun. Nag iisa lang naman ang anak ni Max at yun ay walang iba kundi si Yuri” paliwanag niya.

End of Flashback...

Sumakit ang dibdib ko nung nalaman ko yun. Yuri is mine! Hindi dapat sila kinasal ni Yuri dahil ako ang unang nakakilala sa kanya! Dapat ako yung kasama niya ngayon sa iisang bahay.

Tama! Susundin ko kung ano ang sinasabi ng puso ko. Yun naman talaga ang tama di ba? Akin si Yuri. At alam kong ganun din si Yuri sa akin. Maaaring nakalimutan niya ako, pero pag pinaalala ko sa kanya ang lahat ng pinagsamahan namin nung bata pa kami, mag bago ang isip niya at sa akin siya sumama. Tama.

1 week from now, gagawin ng Carcino ang pag atake. Sinadya talaga na 1 month ang preparasyon. Kasama ako dun. Ako mismo ang papatay kay Seth. Pag nangyari yun, sa akin na si Yuri. Hindi ko talaga sinabi kay Lila na sinabi sa amin ni Bianca kung kailan ang gagawing pag atake. Sa ngayon, hahayaan ko muna silang maniwala na kakampi nila ako.

Ahas na kung ahas, pero sa pagkakataong ito. Gusto ko, mapunta sa akin si Yuri.

Umalis na ako sa bar at nag drive pabalik sa condo ko. Pinaharurot ko ang sasakyan ko tutal wala naman gaanong sasakyan sa kalsada.

Ano kayang ginagawa nila Seth at Yuri ngayon? Kung anu anong imahe ang lumalabas sa utak ko ngayon. Magkayakap sila, ang sweet sweet nila habang naghahabulan, hinahalikan ni Seth sa labi si Yuri. Dahil dun lalo ko pang binilisan ang pag da-drive ko.

Nag red yung stop light pero wala akong pakielam. Derederetso pa rin ako hanggang sa makarating ako sa pedestrial lane may nakita akong babaeng patawid pero wala akong pake at.....

**boogsh**

Natauhan ako bigla. Bumaba agad ako ng kotse para tignan kung sino yung nabangga ko. Tila nawala ang epekto sa akin ng alak nung makita ko kung sino ang nasagasaan ko.

“Y-Yuri?”

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya bumalik ako sa kotse at iniwan si Yuri na nakabulagta sa kalsada. Alam kong kaduwagan to pero natatakot ako, sana walang makaalam.

(End of Flashback)

“Adrian”

This time, si Seth ang lumapit sa akin. Pinilit kong tumingala kahit may dugong dumadaloy sa mga mata ko. Aaminin ko, masakit yung suntok at tadyak niya, pero wala yun sa sakit na nararamdaman niya dahil sa pagpatay ko sa anak niya.

“P-paano mo n-nalaman?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ako tanga” mahina pero mariin na sagot niya.

May pumasok na tatlong babae na sa pagkakaalala ko ay member ng clan niya. Vanessa, Alexis at Rhianne ata ang pangalan nila?

“Silang tatlo ang tumulong sa asawa ko nung muntik mo na siyang patayin at iwan sa kalsada na parang tuta lang ang sinagasaan mo. Nandun sila nung mga oras na yun dahil pinapasundan ko sa kanila ang asawa ko.” Mariin na paliwanag niya.

Lumapit siya sa akin at isang malakas na suntok ang inabot ko.

“Napakawalang hiya mo! Pinsan pa man din kita pero demonyo ka! Wala kang puso! Sinaktan mo ang asawa ko at pinatay mo ang anak ko! Wala kaming kasalanan sayo!” pagkasabi niya nun ay sunod sunod na suntok ang inabot ko.

Pagtapos niyang gawin yun ay ngumisi ako “Wala nga ba Seth?” tumigil siya at saglit na nag isip.

“Ha! Wag kang mag sasalita ng ganyan kung di mo naman pala alam” bulong ko. “Dahil sa una pa lang, sa akin na si Yuri. Inagaw mo lang siya! Akala mo ba porket binuka niya na ang mga hita niya sa harap mo sayo na siya? Pwede ko pa rin siya angkinin!” sigaw ko.

Nag aapoy na ang mga mata ni Seth at akmang susugod na sana siya pero natigil kami nung sumigaw si Kate... “Yuri!” kasabay nun ay ang pagbagsak ng katawan ni Yuri sa malamig na simento.


.................................

so ano?? anong masasabi nyo?? :D

vote please qng trip nyo tong chapter na tooooooooo <3

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon