Lilia’s POV
“Ouch” napahawak agad ako sa ulo ko. Tinignan ko ang kwarto kung nasan ako, hindi sa akin to pero pamilyar?
Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Nagulat ako dahil nakita ko si Vince kasama si Anthony, Galelie, Violet at Caleb.. Biglang kong naalala yung nakita ko kanina. Agad akong kinilabutan nung sabay sabay silang tumingin sa akin.
“Lilia calm down” bungad agad sa akin ni Vince. Pinaupo muna nila ako sa sofa at huminga ako ng malalim bago magsalita. Sana mali ang iniisip ko na taga Carcino sila. Kasi naman, duh! Kaibigan kaya namin sila! Pero teka?!
“A-ano ba yung nakita ko dun sa b-bodega kanina?” tanong ko.
Natahimik muna sila pero umupo si Vince sa kaharap kong sofa bago nag salita.
Yuri’s POV
“Yuri!” tawag ni Carol at Kate sakin.
“Oh?” sagot ko sa kanila.
“Nakita mo ba si Lilia?” Carol
“Di ba magkakasama kayo?” ako.
“Oo nga, eh kaso umalis siya dahil hinahanap niya si Travis pero kanina pa yun mga 3 hours ago”
Kinabahan ako bigla. Hindi naman yun basta makakalabas sa gate dahil hindi nagpapalabas ng estudyante during school hours.
“Hanapin natin siya” sabi ko sa dalawa.
Mula 3rd floor ay tumakbo kami papuntang lobby.
“Lilia!” sigaw naming tatlo habang tumatakbo papalapit sa kanya.
“Hi” nahihiyang bati niya samin. Bakit kaya?
“Saan ka ba galing?” Carol
“Kanina ka pa namin hinahanap eh!” Kate
“A-aahh d-diyan lang” tapos biglang namula ang mukha niya. Nagkatinginan kaming tatlo. Kapag ganyan kapula mukha ni Lilia, nakita niya yung crush niya o kaya nakakita ng gwapo o nilapitan siya.
Natawa na lang kami sa inaasta ni Lilia. Naramdaman kong nag vibrate na naman ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko.
Seth <3 calling.....
Sinagot ko naman agad. “Hello Seth?”
“Yuri are you okay there?” halatang nag aalala siya sa tono niya.
Yung tatlo biglang lumapit sakin at dinikit yung tenga nila malapit sa tenga ko para marinig nila yung usapan namin.
“O-oo naman” nararamdaman ko na unting unting umiinit mukha ko.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita “I-I miss you”.
Pinaghahampas ako nung tatlo nung sinabi niya yun.
“I-I miss you too” lalong sumakit yung hampas nila! Jusko ilayo niyo ko sa mga mapang abuso na to!
“I love you”
“Kyaa!” di na nila napigilan ang tumili. Narinig ko naman na natawa siya sa kabilang linya.
“I-I l-love you t-too” bat ba ako nauutal! >///<
In-end ko na agad yung tawag dahil sobrang sakit na ng katawan ko kakahampas nila. Lahat ng tampo ko sa kanya, sa hindi niya pagbibigay ng oras sakin, sa pagkukulang niya nawala yun lahat dahil sa simpleang I love you niya. At first time niyang sabihin sakin yun, and I think I am really falling for him?
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AksiyonOne guy with Two personality. Will you fall for him?