Lilia’s POV
Nandito kaming apat sa garden nila Yuri. Nagtataka ba kayo kung palagi kaming nandito? Well kasi simula nung umalis si Tito dito na muna kami nakatira para may kasama si Yuri lalo na’t ang haba ng buhok nito. Tatlo ang lalaki, Si Seth, Vince at yung asawa niyang hindi namin kilala =_=. Ok lang naman sa mga parents namin dahil alam nila kung gaano namin kamahal tong babaeng to.
“Maam Yuri” tawag nung katulong.
“Yes po manang?” Yuri.
“Ahmm, may naghahanap po sa inyo” nagkunutan naman ang noo namin sa sinabi ni manang.
“Sino po?” tanong ko.
“Di ko po kilala maam eh, pero gwapo, matangos ilong, medyo maputi, matangkad, brown ang buhok, mukang makisig ang katawan!” paliwanag ni manang.
“Manang ideal man nyo yun eh!” sagot naman sa kanya ni Kate kaya nagtawanan kami.
“Ay naku maam! Kayo na lang po ang tumingin! Nandun po siya sa sala” tapos ay umalis na siya.
“Tingin niyo sino yun? Si Vince kaya?” Carol
Napaisip kami sa description ni manang dun sa lalake. Nung maisip namin kung sino agad nanlaki ang mga mata namin at nagtinginan sa isa’t isa.
“Si Seth!” sigaw naming apat tapos tumakbo kami papuntang living room.
Seth’s POV
“Boss ok ka lang?” tanong ni Violet sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.
“Parang malalim ang iniisip mo ah” Caleb.
Nagsindi lang ako ng sigarilyo. Haaay, di ko siya makalimutan.
“Tsk, miss mo na nuh?” Anthony. Ngumiti lang ako sa kanila at naghiyawan naman ang mga mokong =_=.
Simula kasi nung tinawagan ko siya sa park, hindi na ulit kami nagkausap at nagkita. Kaya heto ako tuliro, isip ng isip sa kanya.
“Puntahan kaya naten boss” Galelie. Di ko naisip yun ah.
Tumayo agad ako at sumunod naman agad sila.
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AcţiuneOne guy with Two personality. Will you fall for him?