Chapter 21

31K 672 13
                                    

Caleb’s POV

Nandito kami ngayon sa sala ng mansion ni Seth. Tinawagan niya kami kanina at ang sabi niya ay kailangan na daw malaman ni Yuri ang lahat lahat. Dumating na din yung tatlong kaibigan ni Yuri at si Violet hindi matanggal ang tingin kay Lilia, tsk.. malala na tama neto. Di naman kasi mahilig sa chicks si Violet pero iba na pag may natipuhan to.

Speaking of Lilia. Naalala niyo ba nung may binubugbog kaming lalaki sa bodega nun sa parking lot ng school? Halos mawindang ang buhay ni Violet nun hahaha! Baka daw ma turn off sa kanya si Lilia o kaya kamuhian siya, o di ba parang bakla lang? pero nung pinaliwanag namin sa kanya kung sino at ano talaga kami mas lalo pa silang naging close.

Alam na ni Lilia pero pinakiusapan siya ni Seth na wag sabihin kay Yuri, pero ngayon mukhang magkakaalaman na din.

“Nandiyan na sila” Kate. Haay, ang ganda niya talaga. Tss, oo na aamin na ako may gusto ako sa kanya.

“Mabuti at nandito na kayong lahat” sabi ni Seth pagpasok niya sa sala.

Umupo silang dalawa sa love couch. Kung normal na sitwasyon lang to malamang nabaliw na kami sa kakatawa dahil sa mukha ni Seth. Mukha siyang natatae na ewan. Hindi rin naman kasi biro ang gagawin niyang pagtatapat kay Yuri, kaya nga kami nandito eh moral support ba kumbaga.

“Yuri, I’ll tell you something that may change our relationship, but please hear me out” Seth.

Nakatitig lang sa kanya si Yuri at dahan dahang tumango.

“Yung nakita mong barilan kanina, tama ka nandun sila dahil satin” so ibig sabihin may nakasunod pala sa kanila kanina?

“Why?” inosenteng tanong ni Yuri.

“Because I am Vincent and you are my wife” Seth.

Parang batang hindi makaintindi ng 1+1 naman ang mukha ni Yuri dahil nakakunot ang noo niya.

“Di ko gets” sagot niya.

Huminga muna ng malalim si Seth bago nagsalita. “You know that I disguise as nerd at kilala mo ako bilang Vince di ba?” Tumango lang si Yuri bilang sagot.

“Maaring ako si Seth at Vincent pero magkaiba ang katayuan nila sa buhay” ngayon naman pati yung mukha ni Kate at Carol ang hindi maipinta.

“Si Seth kasi, normal lang siyang nabubuhay, kilala lang siya bilang isang presidente ng dalawang kumpanya at committed na” tumango tango lang si Yuri habang--- namumula ang mukha? Hahaha.

“While si Vincent naman ay isang Big Boss” pigil hiningang sinabi ni Seth.

“Big Boss?” tanong ni Yuri nung maka recover siya sa pagkakapula ng mukha niya.

May inabot siyang papel kay Yuri at tinignan naman niya agad ito kaya lalong kumunot ang noo niya.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon