Chapter 23

27.6K 687 14
                                    

 Dedicated to camienavea :) enjoy reading!

Seth’s POV

 

“Sir, bumalik na po sila Sir Anthony, Caleb, Violet at Galelie” sabi ng secretary ko. Tinignan ko lang siya. Ang kapal ng make up niya at laging bukas ang dalawang butones ng blouse niya. Tss.. ang panget ng view.

“Thank you, you may go” seryosong sabi ko sa kanya bago siya lumabas. Pumasok naman yung apat na ugok. Naglunch sila sa labas at ayokong sumama dahil busy ako.

“Sexy ng secretary mo boss” Anthony.

“Really? Parang hindi eh” then I shrug “I’m not interested to her anyway” dugtong ko.

“Pag ibig nga naman” Caleb.

“And i don’t think she’s sexy, ayoko ng way niya sa pananamit, i want simple” ako.

“Yeah, like Li—Yuri” Violet. Nagtinginan kami sa gawi niya. Tss.. lakas ng tama kay Lilia.

Pinag aasar naman siya nung tatlo ng biglang may pumasok sa loob ng office ko.

“Buwiset!” pabagsak niyang inupo ang sarili sa couch, bahay niya?

“Oh, Kate bat nandito ka at bakit mainit ang ulo mo?” Anthony. Pumasok na din si Carol, Lilia at asawa ko.

“Alam mo Seth kung kila Yuri lang tong kompanya sinabunutan ko na yung babae dun sa labas ng office mo!” padabog na sabi ni Kate.

“Why?” tumingin ako sa mga kasama niya “What happened?” tanong ko.

“Ayaw kasi kami papasukin ng secretary mo, bwisit eh! Buti nga at sinampolan siya ni Yuri.” Lilia

“Anong ginawa ni Yuri?” Violet

“Ehem—“ tumikhim muna si Carol bago nagsalita ulit “For your information Miss Secretary I am your president’s wife, My name is Cheline Yuri Rutherford and as his wife I also have the power to eliminate that stupid face of yours in this company, tapos tinaasan niya ng kilay!” Carol.

“Di naman talaga ako mahilig sa away eh, pero pag hindi ko pinatulan yun iisipin pa niya na mahina ako” iritang sagot niya.

“Anyway, bakit kayo nandito? May problema ba?” tanong ko kay Yuri. Inabot niya sa akin yung papel na binigay ko sa kanya nun, could she possibly----?

“Alam ko na ang sagot Seth” she inhaled deeply bago mag salita. “Those three words. They mean Mafia.”

 

Anthony’s POV

Alam kong kinabahan si Seth ng marinig niya yung sinabi ni Yuri. Tama siya, Yuri is smart. In less than a day malalaman niya kung ano ang meaning ng mga salitang yun. Cosa Nostra, La Eme, Yakuza.

The other term for Mafia in other country. Cosa Nostra in Sicily at America, La Eme in Mexico at  Yakuza sa Japan.

Nakatungo lang yung mga kaibigan ni Yuri. Siguro sinabi na ni Lilia kay Carol at Kate dahil hindi man lang sila nagulat sa sinabi ni Yuri.

“Lalabas muna kami, you two should talk” Violet. Lumabas muna kaming pito para makapag usap yung dalawa sa loob.

Yuri’s POV

I was mad at first dahil di ko akalain na ganitong klaseng mundo ang ginagalawan ng asawa ko.

“Ito ba yung sinasabi mo na kaibahan ni Vince at Seth?” tanong ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.

“Kinilala ako bilang Vince ng angkan namin. Walang nakakaalam ng tunay na pangalan ko o pagkatao ko maliban sa pamilya ko. Labag man sa loob ni dad na maging boss ako dahil sa magulong buhay namin pero wala siyang magawa dahil ako ang nag iisang taga pagmana, hinati niya ang pagkatao ko. Sa kabila ng pagiging boss ko, pwede pa rin akong mabuhay ng normal pero sa katayuan ko bilang Seth. Walang nakakaalam na si Seth at Vincent ay iisa maliban sayo, sa dad mo, sa mga kaibigan ko, pamilya ko at sa tatlong kaibigan mo. Kahit sa company ay kilala ako bilang Vincent” Paliwanag niya.

“I’m sorry, kung minsan nawawalan ako ng oras sayo bilang asawa mo. Dalawang kumpanya na kasi ang hinahawakan ko. Tapos minsan, may problema pa sa clan ko kasi yung mga hitman ng kalaban, binabantayan ka natatakot ako na baka kung anong gawin nila sayo. Di mo siguro napapansin pero sa tuwing umaalis ka ng bahay palagi akong nakabantay sayo” para siyang batang nagdadahilan kung bakit nawala ang piso niya dahil nagkakamot siya ng ulo at nakatungo habang nag papaliwanag.

Nawala lahat ng tampo at galit ko sa kanya. Overwhelmed ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at nagulat naman siya dahil yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

“I’m sorry. All this time nagtatampo ako kasi palagi kang wala sa tabi ko, di ko alam na palagi ka pa lang nakabantay sakin kahit alam mong delikado dahil baka mapahamak ka. Sorry kasi napaka selfish ko. Ayos lang sakin kahit nasa panganib ang buhay ko, lalaban din ako para hindi ako maging pabigat sayo. Basta wag mo ko iiwan, lalaban ako. Mahal kita Seth Vincent” yumakap siya sa akin ng mahigpit.

“S-salamat” nag crack ang boses niya habang nagsasalita. Umiiyak siya? Haharapin ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

“Wag please, ayokong nakikita mo na umiiyak ako. I’m sorry din kasi nakakalimutan ko na yung role ko bilang asawa mo. Sorry kung naglihim ako. Sorry kung mukha na akong kriminal sa harap mo. Sorry kung marami na akong napatay. Sorry kung na disappoint ka sakin. Sorry.. sorry..” mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit. “Thank you kasi mahal mo rin ako” dugtong niya.

Masaya ako kasi binigyan ako ng lalaking katulad niya. Sana malampasan namin lahat ng to. Mahal na mahal ko si Seth, mahal na mahal...

May narinig naman kaming nag hiyawan sa pinto.

“yiiiieee!! Bati na sila!” sigaw nila. Lumapit sakin yung tatlo at yung apat naman lumapit kay Seth.

“Yuri” tawag ni Seth. Nilingon naman namin sila.

“Welcome to the World of Mafia”

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon