Chapter 44
Seth Vincent’s POV
Pagdating ko sa bahay ay walang tao. Nasan kaya ang asawa ko? Wala na kasi ang mga katulong. Ayokong madamay ang mga inosenteng kagaya nila sa gulo namin kaya minabuti kong paalisin sila kahit labag sa loob ko.
“Yuri?” tawag ko “Babe!?”
Umakyat ako sa kwarto pero wala siya doon. 9pm na ng gabi pero wala pa din siya? Kasama ko yung mga kaibigan niya kanina kaya imposibleng magkakasama sila. Narinig kong nagring yung landline kaya bumaba ako sa sala at sinagot yun.
“Hello?”
“Si Sir Vincent po ba ito?” tanong sa kabilang linya.
“Yes, why?” ako
“Uhm sir. Rutherford’s Medical Hospital po ito. Sinugod po kasi dito yung asawa niyo” kabadong sagot niya sa kabilang linya.
Agad akong tumakbo papunta sa kotse ko. The heck?! Anong nangyari sa asawa ko?!
Wala pang 10 minutes ay nasa ospital na agad ako. Pumunta ako sa information desk at nasa operating room pa daw ang asawa ko kaya agad akong dumeretso doon.
Anong nangyari?! Nakidnap ba ang asawa ko? Na holdap? Na rape? Argh!
Nakakafrustrate dahil wala akong kaalam alam. Imposible naman kasing mangyari yun sa kanya dahil marunong siya mag self defense.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at sumandal sa pader habang dahan dahan na umupo sa sahig. Tinawagan ko yung mga kaibigan ko at ganun din sa mga kaibigan ni Yuri. Tinawagan ko din si Adrian at Lila.
Pagtapos ng tatlom pung minuto ay dumating silang lahat.
“Boss, a-anong nangyari?” tanong ni Violet.
Nakayuko pa rin ako habang nakasabunot pa rin ang kamay ko sa buhok ko.
“I-I don’t know” mahinang sagot ko. Naramdaman ko na lang na may tumulong mainit na likido sa pisngi ko.
May lumabas na doktor sa operating room kaya lahat kami ay nakatingin sa kanya.
“Sir Rutherford, mabuti ho at nandito na kayo” matamlay na bati sa akin ng doktor.
“Ano pong nangyari sa asawa ko? Ok lang po ba siya? Nasaktan ba siya?” tarantang tanong ko.
“Calm down Mr. Rutherford” sabi ng doktor. Hinila naman ako ng mga kaibigan ko para makapag salita ang doktor.
“You see, ok naman po ang asawa ninyo. Mabuti na lang at hindi siya na comatose, but then may head injury siya. Madami din siyang natamong sugat.” Sabi ng doktor.
“Ano po bang nangyari dok?” tanong ko.
“Ayon kasi sa nagsugod sa kanya dito. Isang kotseng humaharurot and nakabangga sa kanya. Tumalsik siya at mabuti na lang hindi ulo ang unang bumagsak sa kanya.” Paliwanag ng doktor.
Napapikit ako.
“At may isa pa pong problema Mr. Rutherford” nakayukong saad ng doktor.
“A-ano po yun?” kinakabahang tanong ko.
“Uhh.. She.. she lost the baby” nanlaki ang mga mata namin dahil sa binalita ng doktor.
“D-dok?” hanggang ngayon ay ayaw pa rin mag sink in sa utak ko ng sinabi niya.
“She’s 3 weeks pregnant Mr. Rutherford” pagkasabi niya nun ay nag paalam na din siya at umalis.
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
ActionOne guy with Two personality. Will you fall for him?