Carol's POV
5 days na simula nung sinabi sa amin ni Tito ang tungkol sa arrange marriage ni Yuri. Na shock kaming lahat pero I know yun lang talaga ang choice ni Tito. Kung may listahan ng Top 20 ang mayayaman na companies, kasama na sila doon kaya nakakatakot talaga na pabayaan yun.
"Mystery guy huh?" sabi ni Kate habang nanonood ng tv.
"Sino kaya yung asawa mo Yuri?" tanong ko sa kanya. Magkakasama kami ngayon dito sa living room ng bahay nila. Walang kaming pasok pag Friday eh.
"Haay ewan ko ba, pero sana kaya niya pangalagaan yung company namin." Sagot niya.
"I know! Why don't we pay a visit at your company?!" nagtinginan naman kami dahil sa sinabi ni Lilia. "Malay mo nandun siya! Since siya and standing president ngayon dahil wala ang dad mo. I'm sure he's there!"
Tumango kaming tatlo tapos kanya kanya kami ng ligo. Yeah, super close kami kahit kay Tito, he even gives us our own room here in his mansion. Parang anak na talaga ang turing niya sa amin.
After namin mag ayos nagkita kita kami sa sala. We only wear jeans, blouse at doll shoes. Ganito lang kami pumorma. Simple lang.
"Let's go?" tapos lumabas na si Lila. Since siya lang ang may kotse sa amin at licensed driver sa kotse niya na kami sumakay.
"Kinakabahan ka noh?" tanong ko kay Yuri pag alis ng sasakyan namin.
"Uhh.. yeah? Kasi di ko naman siya kilala at ngayon na lang ulit ako makakapunta sa company. Kilala pa kaya ako ng mga empleyado dun? At paano ko malalaman na siya ang asawa ko?" tanong niya.
"Hahaha! Chill ka lang kasi! Kami bahala ni Kate dun." Tapos nag apir kami. Oh Yeah!
30 minutes of driving nakarating na kami sa company nila. At wow!! Sobrang laki! It has 60 floors, may malaking fountain sa labas, pag pasok mo ng hall may mag aassist agad sayo.
Pagpasok namin medyo nagulat pa nga yung ibang empleyado pero agad silang humilera at binati si Yuri.
"Good morning maam Yuri" sabay sabay na sabi nila sabay yuko.
"Hala! You don't need to do that! Raise your heads please." Iniangat naman agad nila ang ulo nila at tumingin kay Yuri. Ngumiti ito sa kanila. "It's nice to see you all too, but please don't vow to me every time you greet. Just a simple 'good morning' 'hi' or 'hello' is enough"
Ngumiti naman yung mga empleyado na parang nahiya sila sa ginawa nila tapos ay lumakad na kami sa loob.
"Nandito na tayo, ano ng plano ngayon?" Yuri.
"Wait, tanong natin sa customer service" Sabi ni Kate tapos lumakad siya papunta sa reception desk. Habang naglalakad si Kate ay bumulong ako kay Lila.
"Medyo tanga lang to si Kate. Di ba receptionist yun?"
"Hayaan mo na Carol." sagot niya at humagikhik.
"Lumabas daw eh para mag lunch" nakangusong sabi ni Kate pagbalik niya. Tinignan ko ang orasan ko. Malapit na pala mag 12. Naghintay na lang kami sa lobby.
Yuri's POV
1 hour na kaming naghihintay at ihing ihi na ko!
"Guys cr lang ako ha!" paalam ko sa kanila tapos pumunta sa cr dito sa lobby, pero may nakalagay na under maintenance. Lumabas ako at nagpunta sa elevator. Sa 2nd floor na lang ako mag ccr.
'ting'
Tumakbo agad ako sa pinakamalapit na cr. Lalabas na eh!! >.< di na ko na kayaaa!!
"whoooooo" napabuntong hininga ako nung nailabas ko na ang dapat mailabas. Nag salamin muna ako at naghugas ng kamay bago lumabas.
Pumunta ulit ako sa elevator bumukas na yung pinto at may lalaki sa loob pero di ko pinansin at tumayo ako medyo malayo sa kanya. Pinindot ko yung letter G which means sa ground floor. Habang bumababa ang elevator, biglang nagpatay sindi ang ilaw at para bang inaalog ito dahil umuuga.
Natumba ako pero may sumalo sa akin. Pag tingin ko yung lalaki kanina. Pag tapos nun ay namatay na ng tuluyan yung ilaw.
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
ActionOne guy with Two personality. Will you fall for him?