Chapter 12

35.1K 828 24
                                    

Yuri’s POV

2 days na lang at birthday ko na. Excited na ang lahat pero ako hindi. Alam niyo kung bakit? Kasi mawawala na sa akin si Seth at Vince. Pagtapos nung nangyari kay Seth nagdesisyon pa rin siya na umalis papuntang Nigeria kahit nagtapat na siya sa akin. Yung nang hostage naman sakin. Baliw daw yun, dati siyang preso pero nabaliw dahil namatay yung anak niyang babae na kamukha ko. O di ba nakakaloka?

Si Vince naman ayun lumalayo na sa akin. At ouch lang! kailangan niya akong layuan para daw sa ikabubuti namin ng asawa ko T^T.

“Yuri?” tawag sakin ni Carol pagpasok nila sa kwarto ko.

“Hmm?” walang gana kong sagot.

“Alam namin na makulit kami, pero sino ba talaga ang gusto mo kay Seth at Vince?” ayan na mangungulit na naman sila =___=.

“Pareho” matipid na sagot ko.

“Eh paano kung halimbawa na pipili ka sa kanilang dalawa kung sino ang gusto mong maging boyfriend? Sinong pipiliin mo?” Kate habang hawak yung cellphone niya habang nakatutok sakin.

“Wala, kasi parehas ko silang mahal eh, di ko alam kung bakit pero pag kasama ko silang dalawa, ayoko ng malayo sila sakin, gusto ko kasama ko sila. I love them both. Kaya kung pwede lang silang dalawa pipiliin ko. Alam ko magkaiba sila ng katangian at katauhan pero alam nyo yung pakiramdam na kahit sino sa kanilang dalawa ang kasama ko sobrang gaan at saya ng pakiramdam ko, iisa lang ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa.”

They only smile at me.

“But then, imposibleng maging boyfriend ko silang dalawa, una dahil hindi pwede yun at pangalawa may asawa na ako, kahit ba arrange marriage lang yun at biglaan hindi ko siya pwedeng lokohin dahil kahit saan anggulo tignan asawa ko siya”

Tapos ay ngumiti din ako sa kanila.

Lunch time nung dumating yung gown ko. Pinasukat nila yun sa akin at tuwang tuwa sila kasi bagay daw sa akin. Tinignan ko ang sarili ko sa body mirror ko at halatang halata yung korte ng katawan ko. Hindi sa pagmamayabang pero 26 lang ang bewang ko, sexy ko noh?

“Maam sabi po pala ng daddy niyo kanina, bukas daw po agahan niyo ang pag punta sa Villa niyo sa batangas, dun daw po ang event hindi na sa hotel.” Sabi nung bakla na nagtahi ng gown ko. I think Rhea ang name nya?

“Si dad? Nandito na siya?” tanong ko.

“Yes po maam, nandun na siya sa Villa dun na lang daw po kayo magkita bukas. May kasama pa nga po siyang gwapong lalaki dun eh. Sa pagkakarinig ko po asawa niyo daw” tapos medyo kinilig pa siya.

Nagkatinginan kaming apat.

“Ano itsura niya?” Kate.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon