Yuri’s POV
Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw sa mukha ko. Tinignan ko agad yung orasan sa bedside table ko. 8am pa lang.
Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko, tapos ay bumaba ako sa kusina.
“Good morning Yuri!” bati ng tatlong kaibigan ko.
“Oh, ang aga niyo ah” ako. Naghanda sila ng almusal sa lamesa kaya umupo ako sa tabi nila.
“Kumain na ba si Seth?” tanong ko. Nagtinginan naman sila bago umiling.
“Hindi pa namin nakikita si Seth at ang sabi ni manang umalis daw ng maaga” sagot ni Lilia. Umalis si Seth ng hindi man lang nag papaalam sa akin?
“Ahh..” matipid kong sagot. Nagsimula na silang mag kwento at nasabi din ni Lilia yung tungkol kay Alex. Yun pala daw yung pumalit sa pwesto ko sa classroom kaya katabi daw nila ito at madali din nilang nakasundo.
“Lilia nagtxt si Ad—si Alex!” sabi ni Kate.
“A-ano sabi?” tanong naman ni Lilia.
“Uhm.. magkita kita daw tayo.. sama ka Yuri?” aya ni Kate. Tutal wala naman akong gagawin eh, wala din si Seth na hindi ko alam kung saan lupalop nagpunta kaya pumayag na ako.
Kate’s POV
*pok*
“Aray!” sigaw ko matapos akong batukan ni Carol at Lilia. Nagbibihis na kasi si Yuri kaya eto libreng sapok ang inabot ko.
“Bat mo niyaya? Eh pano kung makilala siya ni Adrian at makilala niya bigla si Adrian? Edi sira ang relasyon nila ni Seth?” pambunganga ni Carol.
“Edi magbihis siya as Adrienne” sagot ko.
“Ano yun, sabihin ni Adrian nakita lang natin si Adrienne last week sa park ka close na natin?” Lilia.
“Eh anong gusto niyo? Tayong tatlo kasama si Adrian tapos si Yuri mag isa dito at walang kasama?” natahimik naman silang dalawa sa sinabi ko.
“Nasan nga ba si Seth?” Carol.
“Aba malay” parehong sagot namin ni Lilia.
“Ready na ko tara?” sabi ni Yuri pagpasok niya.
“Adrienne?” tanong ni Lilia.
“Hehe, oo baka kasi makita natin si Seth eh, at least nakaganitong outfit ako.” Sagot naman niya. Umalis na kami at kotse ni Lilia ang gamit namin. After 15 minutes, nakarating din kami sa park.
“Ayun siya oh!” turo ni Carol kay Adrian. Hindi namin siya tinawag kundi ay lumapit na lang kami sa kanya. Baka makahalata si Yuri eh.
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
ActionOne guy with Two personality. Will you fall for him?