Violet’s POV
“Where are we going? *clap clap clap* to the warehouse! Where are we going? *clap clap clap* to the warehouse!” kanta nung tatlong ugok. Tss ano to Dora? Sinilip ko yung tatlong babae na tulog pa rin hanggang ngayon sa back seat, buti na lang hindi nagising nitong mga unggoy na to.
Ngayon ko lang napansin na dumaan pala kami sa isang drive thru “Saan ang ruta natin?” tanong ko kay Nite.
“Hmm, daan muna tayo ng gasoline station dahil mahaba ang magiging byahe natin kailangan full tank tayo, tapos ay may dadaanan muna tayong pier 20 minutes mula dun ay nasa warehouse na tayo” sagot ni Nite kaya nagsimula na naman yung kalokohan ng tatlo =__=.
“Gasoline Station, Pier, Warehouse! Say it with me” panimula ni Anthony kaya ginaya naman siya nung dalawa “Gasoline Station, Pier, Warehou--- ouch!” sabay sabay na daing nila nung binato sila ni Seth ng tatlong kulay brown na bag na may laman na spagetti, burger at peach mango pie.
“Gutom lang yan Anthony” pang aasar ni Seth.
“Tch” sabi ni Anthony at binuksan yung bag “Wow boss ang sweet! May extra large fries talaga?!” dugtong niya pa. Agad naman hinablot ni Seth yung hawak niya at pinagpalit.
“Sakin yan, ito sayo peach mango pie” sabi ni Seth sabay dukot ng fries.
“Psh dapat pala di ko na sinabi” rinig kong bulong ni Anthony.
“Eh boss pano yung tatlong sleeping chikababes sa likod?” Caleb.
“I also buy for them, pero ako na ang magbibigay baka kainin niyo lang pag sa inyo ko binigay, sabihin ni Yuri ginugutom ko mga kaibigan niya” sagot ni Seth.
Alam kong sobrang nag aalala siya kay Yuri pero dinadaan niya lang sa biro. Kung sa bagay wala naman magagawa kung matataranta ka lang eh. At wala yung stress reliever nya. Natatawa ako pag naalala ko yun, haay siya na bahala magsabi sa inyo kung ano man yun.
Yuri’s POV
“Babe?” Seth said in a husky voice. Niyakap niya ako sa likod dahil nakaharap ako sa verdana ng kwarto niya.
“Bakit?” sagot ko habang nakasandal sa muscular chest niya. Yummy!
Hindi siya sumagot pero hinalikan niya ang gilid ng leeg ko pababa sa balikat ko. Bat biglang uminit? Hinarap niya ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na nakatapis lang pala ng tuwalaya yung baba niya >////< !
Tinitigan ko siya sa mata and i can see desire, love and....... lust? Hala si Seth ba to?
Palapit ng palapit ang mukha niya sakin. Ilang inches na lang at—
*boogsh!*
Sheyt! -_- panaginip lang pala! Pero bakit ang dilim pa rin? At bakit nasa likod ko ang mga kamay ko at nakatali ganun din sa paa ko?
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AcciónOne guy with Two personality. Will you fall for him?