Chapter 43

22.5K 477 29
                                    


Yuri’s POV

“Oi, sige na sabihin mo na sakin” pamimilit ko sa asawa ko. Tinatanong ko kasi siya tungkol sa meeting namin nung nakaraan eh.

“I told you already babe. Malalaman mo rin, wag na makulit” sagot niya tapos ay nagtalukbong ulit ng kumot.

“Eh anong gagawin ko?” kainis naman kasi, lahat sila may gagawin. Ako wala!

Tinanggal niya yung kumot niya bago magsalita. “Hmm, can you rate your fighting skills?”

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.” Uhm, mga 7? Ganun” bat na naman kaya?

“Hindi ka pwede sumama, dito ka na lang sa bahay” tapos ay nagtalukbong ullit. Naiinis na talaga ako kaya tumayo ako.

Psh, makagala na nga lang!

Tinawagan ko yung tatlo at nagkitakita kami sa mall. Pansin ata nila yung pagkabusangot ng mukha ko.

“Hoy, magmukha kang isda diyan. Ang haba na naman ng nguso mo” Carol.

“Nakakainis kasi si Seth!” reklamo ko bago padabog na kinain yung spagetti.

“Wag mong kawawain yung pagkain. Di ka naman inaano nyan eh” saway ni Kate.

“Ano ba kasing problema?” Lilia.

“Ayaw niya kasi ako pasalihin dun sa plano niyo laban sa Carcino.” Pag naalala ko yun nabubwisit talaga ako. “Tinanong niya pa nga ako kung ano daw rate ko sa fighting skills ko”

“Anong sagot mo?”  Kate

“7”

“Sa lakas mong yan 7?! Baka nga 20 pa eh!” sabi ni Carol kaya agad naman siyang binatukan ni Lilia.

“Mag quantum na lang tayo. Ang daming laro dun, paglabasan mo lahat ng galit mo” payo ni Lilia kaya pumunta nga kami dun.

May nakita akong.. uhh.. ano bang tawag dito? Kasi parang may malaking pamokpok tapos may hahampasin ka. Paghampas mo un parang may aakyat sa scale. Pag tumama dun sa bell sa tuktok ibig sabihin panalo ka.

Lumapit ako dun at agad kinuha yung pamokpok. Naghulog din ako ng token.

“Buwiset!” sigaw ko at hinampas yung parang malaking bilog. May umakyat na kulay titm sa scale kaso hanggang 7 lang.

Nagpalakpakan naman yung mga tao sa paligid kasama yung mga kaibigan ko. Nagpantig yung tenga ko nung may marinig akong magsalita.

“Tss, weak” sabi ng isang lalaki. Inagaw niya sakin yung pamokpok na hawak ko at ganun din ang ginawa niya. Tumama yung kulay itim sa bell at tumunog ito. Mas lalong lumakas yung palakpakan ng mga tao.

Inuubos niyo talagang mga lalaki ang pasensya ko ah? Lumapit ako sa kanya at kinuha yung pamokpok sa kamay niya habang nakangisi siya.

“Ganito na lang miss. Kapag hindi mo natalo yung ginawa ko, makikipag date ka sakin.” Sabi niya. Ngayon ako naman yung ngumisi.

“Kapag ako ang nanalo at nalamangan kita. Papayagan mo kong bugbugin ka” tumawa lang ang loko.

“Sige, baby” tapos ay kumindat siya. Kadiri! Tinignan ko lang siya ng masama bago ulit ako humarap sa nilalaro ko.

Hinigpitan ko ang hawak ko at saka itinaas ang mga kamay ko. Nung alam kong sakto na yung taas ng mga kamay ko ay buong pwersa ko binagsak ito. Umakyat yung kulay itim sa scale at tumunog yung bell. Pagtapos ay natanggal yun at tumalsik, sakto naman na papunta ito sakin kaya sinalo ng kamay ko.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon