Chapter 51
Yuri's POV
*kring kring*
"Haay, oo na! babangon na!" tss. Ang aga aga, inaantok pa ko eh. Ni turn off ko na yung alarm. Nagdasal muna ako bago bumangon. Haay, tuesday na ----- ata? hindi na kasi ako gaanong natingin sa kalendaryo. I sighed.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang petsa. Thursday na pala =_=. Di ko na kasi alam ang takbo ng araw, madalas nga pumapasok ako sa office kahit weekends ang akala ko kasi friday pa lang, yun pala sunday na.
I took a quick shower at pumunta sa kusina para ipagluto ang sarili ko ng almusal. I sighed again. Pinagsisisihan ko na tumingin pa ako kalendaryo. Nakita ko pa tuloy kung anong date ngayon. Today is exact 3 years nung mangyari yun. Yung pangyayari na bumago sa buhay ko. Alam kong matagal na panahon nung nangyari yun, pero parang kahapon lang dahil sariwa pa din yung sakit.
After kong kumain ay nag ayos na ako. I comb my hair, pero huminto ako at tinignan ito. Nag pagupit ako kaya hanggang balikat ko nalang yun. Napailing na lang ako at kinuha ang bag ko.
I drove my car hanggang sa makarating ako sa mismong pupuntahan ko. Pagkababa ko ay naglakad ako meters away where I park my car. Huminto ako at lumuhod. Bumabalik na naman yung sakit. I bit mylower lip. Hinawakan ko ang ukit ng pangalan niya.
Seth Vincent G. Rutherford
Hindi ko pinigilan ang mga luha ko at hinayaan ko na silang tumulo.
"Ang daya daya mo!" sigaw ko habang humahagulgol. I let myself cry. I remember that night again.
Flashback....
"Time of death, 9.39pm " huminto ang mundo ko sa sinabi ng doktor. Dahan dahan akong naglakad papasok sa kwarto ni Seth. May sinulat yung nurse sa papel bago nila tinakluban ng kumot ang asawa ko.
Umiyak ako ng umiyak habang yakap ko siya. Why? bakit kailangan ganito ang mangyari? kahit yata yung ibang pasyente sa kabila ay naririnig ang pag iyak ko.
"Daddy.. hindi naman siya patay di ba? Sabi mo hindi niya ako iiwan" sabi ko kay daddy pag pasok nila ni kuya Nite sa kwarto.
Dinala na si Seth sa morgue. Pumunta ang mga kaibigan niya sa morgue kahit puro benda pa sila para lang makita siya. Tumanggi akong sumama dahil hindi na kaya ng puso ko.
Nung burol niya, hindi na nila binuksan yung kabaong niya. Siguro ay dahil puro sugat ang mukha niya.
Nilibing siya pagtapos ng ilang araw. Halos isang buwan akong umiyak nun. Thinking how broke my heart is..
End of flashback....
Katabi ng puntod niya ay ang puntod ng tatlong kaibigan ko.Magkakasabay silang apat na nilibing.
Ginusto ko na din mamatay nung araw na yun pero alam kong hindi nila magugustuhan kapag ginawa ko yun.
"Tita!" I wipe my tears. Ngumiti ako sa batang tumawag sakin. "Umiiyak ka na naman" I look up and smile at her. "Di ko kayang makalimot ate eh" wika ko kay ate Bianca.
Lumuhod naman siya at pinunasan ang luha ko. "Do you still love him?' she ask. "So much ate" I give her a weak smile. "Then dont stop loving him. Alam kong nasasaktan ka dahil sa pagmamahal mo sa kanya, pero yang pag mamahal mo rin sa kanya ang magiging dahilan ng kasiyahan mo. Ate loves you so much" A tear escaped from my eye at pinunasan niya yun.
"Yuna! halika na, aalis na tayo" tawag niya sa anak niya. Sumama ako kay ate papunta sa mansion naming mga Villafuente, its dad's birthday next week kaya napag desisyunan namin na dalawa kaming mag plano.
She's right. I still and will always love him and I dont have any plan of moving on.
Dumating kami sa mansion at as usual, ang iingay ng mga pamangkin ko. Yuna joined them. Nandito ang anak nila Kuya Nite, Brian at panganay ni ate. Nasa garden silang lahat.
"Yuri, why dont you put your things muna on your room?" sabi ni ate at sumunod naman ako sa kanya.
Nasa hagdan ako ng mapansin kong may pula sa sahig. Pinulot ko yun, isang petal ng rose? Sinundan ko yun at huminto yun sa tapat ng kwarto ko. I slowly open the door. I sighed, wala pa rin pinag bago. But why are there are petals outside?
Hihiga na sana ako, pero biglang bumukas ang bintana ko at may mga lalaking pumasok. Tinakpan nila ang ilong ko ng panyo. And everything went black.
--------------------------
alam kong nagtataka kayo kung bakit may nadagdag na chapters :D haha dun worry dalawa lang naman eh.. tsaka maikli lang tapos epilogue na talaga... hahaba kasi masyado ang epilogue pagnilagay ko to kaya naisip ko na gawin nalang chapter. Ayun lang! thank you ulit sa pag babasa! 0^◇^0)/
Sorry ulit sa typos!
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AcciónOne guy with Two personality. Will you fall for him?