Chapter 15

33.9K 707 5
                                    

Seth’s POV

Paglabas ko ng kwarto niya ay agad akong humiga sa kama ko. Should I tell her or not? Tsk.. ang hirap talaga pag may tinatago.

I don’t know why I have this feeling for her. I haven’t experience to fall in love in my entire life! Tss.. ok sige dati meron pero it was fake! Hindi ko itinuturing na love yun kasi..... basta =_=.  Kaya hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, gusto ko masaya siya palagi, I want to protect her kagaya ng ginagawa ko ngayon.

That’s it. Hindi ko na lang sasabihin sa kanya, basta nababantayan ko siya kahit sa malayo ayos na ako dun. Kaysa mapahamak pa siya.

After few more minutes staring in ceiling, i drifted off to sleep.

Yuri’s POV

 

Pag gising ko wala na si Seth, maaga na naman daw umalis sabi ni Manang. Ang sipag niya talaga magtrabaho. Simula nung tumira ako dito, hindi niya pa ako hinahatid o dinedate man lang.

Madalas tuloy ang kasama ko si Vince kapag hindi ko kasabay umuwi yung tatlo.

Gusto ko nga magtampo sa kanya minsan eh, kasi mas mabuti pa nung nagkakilala kami as friends nakakapag bonding kami, ngayon hindi na.

“Hey girl, ok ka lang?” Lilia.

Bumuntong hininga muna ako bago umiling.

“Si Seth na naman ba?” Carol

“Yeah” matipid na sagot ko.

“Alam mo, kailangan mo din intindihin si Seth, siya ang presidente ng company niyo. Onting pagpapabaya lang niya, babagsak ang kumpanya niyo.” Kate.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Hindi naman talaga ako galit sa kanya. I miss him. I miss him badly.

“Napapansin ko si Vince madalas half day na lang” Carol.

“Ang alam ko nag palit siya ng schedule, the reason? Di ko alam” Kate.

Napaisip tuloy ako. Nilalayuan na din ba ako ni Vince? Haay =__= napaparanoid lang siguro ako. Siguro ayaw lang niya ng chismis. Alam na kasi ng buong school na may asawa na ako pero di nila alam kung sino.

Si Brian naman, ayun! Mas lalo akong kinulit! Iwan ko na daw asawa ko at pakakasalan niya ako =_= tsk.

“Well, well, tignan mo nga naman” napalingon kaming apat dun sa espasol na nagsalita.

“Stacey, will you please leave us alone?” Lilia.

“At bakit? Para makapaglandi yang kaibigan niyo kay Brian at dun sa nerd na yun?” Stacey.

Kung hindi niyo pa siya kilala, siya nga pala si Stacey Mariano, anak siya ng Vice President ng school na to. Feeling kanila yung school kahit hindi naman =_=. Mess up with her and you’re out of this school.

“Sa pagkakaalam ko kasi ang salitang malandi ay para sa isang taong kagaya mo” Carol.

“Ha! Brian is mine alone, remember that slut” tapos ay umalis na siya.

“Isang isa na lang talaga papatulan ko na yun” Carol

“Hayaan mo na, papanget ka lang kapag inisip mo pa yun” pagpapakalma ko sa kanya.

Nagring na yung bell ibig sabihin lunch break na. Pumunta agad kami sa cafeteria para kumain.

“Mga girl!” bati ni Travis pagkakita samin.

“Oi, balita?” Kate

“Alam niyo ba mga sisters, pumunta dito si Stacey kanina gosh! Pinagkakalat niya na three timer ka daw girl!” sabay turo niya sa akin. “Pero dumating si papa Brian at ni rescue ka!” halatang kinikilig pa siya =_=.

“Hay, alam naman natin na kaibigan ko si Vince at si Brian ang nagungulit sakin” then I shrug.

“Hey B*tch!” kaplastikan talaga ng babaeng to =_=. Sino pa ba? Edi si Stacey.

“You’re calling yourself?” sarcastic na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa pineapple juice ko.

Narinig ko naman na natawa yung tatlo kasama si Travis.

“Alam mo ang plastic mo” sumosobra na siya ah. Hindi ako palaaway pero kapag ganito na tinatanggal ko muna yung kabaitan ko sa katawan.

“Kung plastic ako goma ka naman” sagot ko sa kanya sabay inom ng juice. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

“B-bakit girl?” Kate na halatang nagpipigil ng tawa.

Lumingon ako kay Stacey at ngumiti ng nakakaloko. “Kasi pag sinunog tayo mas mabaho ka” at ayun! Halos magkanda matay na sila sa kakatawa.

Si Stacey naman ayun namumula sa galit hahaha! Nakasunod lang sa kanya yung tatlong alipores niya nung nag walk out siya. Nagpalakpakan naman yung mga tao sa cafeteria. Narinig pala nila yung usapan namin :p

Stacey’s POV

“That B*tch!” nanggigigil talaga ako sa kanya!

“Stacey relax okay?” Lea

“Pwede mo naman siyang ipasipa sa school na to, just call your dad” Mia

“I know, pero gusto ko muna siyang pahirapan bago ko siya paalisin dito” ako.

“I have a better plan” Julia.

Sinabi niya samin ang plano niya, and I find it cool.

“Then it’s showtime” then I grin. Mapapaalis ka din sa school na to Yuri.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon