Chapter 52

25.2K 530 34
                                    

Chapter 52


Yuri's POV


Nagluluksa pa nga ako, umepal naman tong mga kidnappers ko. Di tulad dati nung hinoldap ako, to the rescue si Seth, pero ngayon wala na. Ito na rin ata ang katapusan ko. Huhuhu..


Pero hindi pa pwede! kailan lang kami nagkabati ni ate Bianca T.T nag promise pa ko sa kambal niyang si Yuto at Yuna na ipapasyal ko sila next week.


Oo nag kaanak agad si ate  3  years ago kay Lawrence, yung isa sa mga tauhan ni Seth. At yung sinabi niyang may nangyari sa kanila ay hindi totoo. Pero mukhang may mangyayari sakin ngayon. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa at tinanggal nila ang piring ko.


Dahan dahan kong dinilat ang mga ko.


"Pirmahan mo to" sabi sakin ng isang lalaki. Apat kasi silang nandito at  lahat sila nakatakip ang mukha.


"Eh pano kung ayoko?" mataray na tanong ko. "Papatayin namin ang kapatid mo at mga pamangkin mo" malamig na sagot niya. Agad na kumulo ang dugo ko.


"Bwisit ka pala eh! kung wala kang magawa, kumuha ka ng 3 in 1 na  kape tsaka mo paghiwahiwalayin! hindi yung ako pagtitripan mo!" sira ulo to ah! dinamay pa pamilya ko.


Kinuha niya ang phone niya at may dinial, maya maya ay may pinindot siya at tinapat yun saken.


"Tulong! wag niyong sasaktan ang mga anak ko pakiusap!"


Nanigas ang buong katawan ko. Boses yun ni ate Bianca. "Pakawalan mo ang ate ko at mga pamangkin ko!" sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko.


"Kung ganon pirmahan mo na to." saad niya. "Ano ba kasi to?" inis na tanong ko.


"Nakasaad diyan na inililipat mo ang lahat ng pera ng kumpanya ninyo sa kumpanya ng boss namin, at pakakawalan namin ang kapatid at mga pamangkin mo kapalit ng sarili mong buhay" tapos ay nagtawanan silang apat.


Napakagat labi ako. Kung sa bagay pwede narin siguro akong mamatay. Nagawa ko na lahat ng gusto ko, maliban lang sa pag aasawa. Haaay.


Matapos kong pirmahan yun ay nagsalita ulit siya dun sa cellphone na hawak niya. "Release them" I smile bitterly.


Piniringan ulit nila ako tsaka tinayo at pinalakad. Pinasok nila ako sa isang kwarto at sa tingin ko ay nakaupo ako sa kama. Humiga ako. At least bago ako mamatay makakaramdam ako ng malambot na higaan.


"Babalik kami pag dating ni boss. Siya na mismo ang tatapos sayo" kinilabutan ako "my sister" paalala ko. "Iuuwi na sila sa mansion ninyo" nakahinga ako ng maluwag. Isinara na nila ang pinto, kasabay nun ay ipinikit ko ang mga mata ko.

.

.

.

Naglalakad ako sa isang mahabang pasilyo. Nakasuot ako ng puting damit. Madilim ang buong paligid at wala akong makita.


Umiiyak na ako. Gusto ko sumigaw pero walang nalabas na boses sa bibig ko. Iniangat ko ang ulo ko at may nakita akong liwanag. Tumakbo ako papalapit doon at nakita ko si Seth na nakatalikod.


Unti unti siyang humarap sa akin at ngumiti. May hawak siyang bata. Babae yun at mga nasa tatlong taong gulang na.


"Mama" nakangiting tawag sa akin ng bata. Lumapit ako sa kanila pero hindi ko sila maabot. Tinawag ko si Seth at ngumiti naman siya.


This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon