Chapter 30

25.7K 581 8
                                    

Seth Vincent’s POV

 

Nagtatakip ako ng tenga dahil sobrang ingay ng tatlo sa likod at rinding rindi na ako.

“We’ve gotta find another paw print, That’s our second clue! We put it in our notebook, Cause they’re who’s clues, Blues Clues!” di naman sila ganyan sa tuwing mapapalaban kami. Alam siguro nila na sobrang nag aalala ako kaya para mabawasan yung mabigat na aura sa paligid nag iingay sila.

Psh, I smile at that thought.

*riiiinngg*

“Sa telepono may tumatawag” panimula ni Anthony. “Ang telepono! Sagutin natin!” dugtong ni Galelie at Caleb “May humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong! May humihingi ng tulong kung saan” ano pa nga bang aasahan ko =_=. Nag simula na naman sila.

“Seth, phone mo ata yung nagriring” napatingin ako sa gawi ni Violet pagkasabi niya nun at pinakinggan yung tunog ng ring. Cellphone ko nga =_=.

Pero nagulat ako kung sino yung tumatawag.

Yuri <3 Calling.....

“Hello Yuri?!” sigaw ko pagsagot ko nung tawag kaya nanahimik silang lahat at tumingin sakin. Itinigil din ni Nite ang pagmamaneho at nakinig.

Sinet ko sa loud speaker para marinig din nila.

“No, but she’s with me” sagot ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya. Pero sino to?

“Is she alright?” tanong ko sa kanya.

“Yeah” matipid na sagot niya.

“Where are you?” ako.

“Nandito kami sa isang gubat malapit sa pier pero bilisan niyo, di rin ako pwede magtagal dito I need to leave, she needs you sa tingin ko hindi maganda ang pakiramdam niya dahil putlang putla na siya” I almost curse dahil sa sinabi niya.

“T-thank you” yun na lang ang nasabi ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako.

“No problem” tapos ay pinutol na niya ang tawag.

Ilang segundo kaming natahimik at naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Nite at Violet sa magkabilang balikat ko.

“Don’t worry, magiging maayos din ang lahat” sabi ni Violet habang nakatingin sa binti ko.

Naging mannerism ko na ata yung pagtaas at baba ng tuhod ko ng mabilis kapag kinakabahan. Ngumiti lang ako sa kanila at nag simula na ulit mag drive si Nite. Malapit na kami sa Pier at gaya ng sabi nung tumawag may gubat nga dito.

Bumaba agad kami at nagsimula maghanap. Maliit lang naman ito at nagkakakitaan pa naman kami. Pagtabig ko ng isang halaman ay may nakita akong nakasandal sa isang puno pero nakatagilid siya at likod ang nakaharap sa akin.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon