Someone’s POV
“Muntik na nila akong makita” sabi ng babaeng nasa harapan ko.
“Tss.. tatanga tanga ka kasi..” sabi naman ng katabi ko.
“It’s ok cousin, nagawa mo na rin naman ang mission mo eh” ako.
Lumingon ulit ako sa bintana ng sasakyan kung saan nakikita ko si Vincent at Yuri na kumakain. Kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko sila.
“Let’s go back” yun na lang ang sinabi ko at nag drive na ulit paalis sa lugar na yun.
You don’t deserve to be happy, like I do. Enjoy your hell days.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yuri’s POV
“Good Morning Maam/Sir” bati ng mga empleyado pagpasok namin sa company.
“I have a surprise for you mamaya pagpasok natin sa opisina ko” sabi ni Seth habang hawak ang kamay ko.
Ngumiti na lang ako at nag nod. Bago pa man kami makapasok sa opisina niya ay may sumalubong sa amin na lalaki.
“Good morning Sir and Maam” tapos ngumiti siya at lumabas ang dimples niya.
“T-tanzanite?!” 0.0
“Haha miss me cousin?” tapos ay niyakap niya ko.
He is Tanzanite Villafuente. Pinsan ko siya sa side ni daddy, matanda lang siya sa akin ng 2 years pero mas isip bata pa sakin minsan. Wag na kayo magtaka sa pangalan niya dahil lahat ng pinsan ko sa birthstone kinuha ang pangalan =__=.
“And call me kuya Nite ok? Ang haba masyado kung Tanzanite ang itatawag mo sa akin” dugtong pa niya nung maghiwalay kami.
“Your dad call me last week dahil siya na ang papalit na secretary ko.” Seth.
Oo nga pala wala na yung Bea na dating secretary niya. Inaway ako eh edi pinalayas niya.
“Sige na pumasok na kayong dalawa sa loob at may gagawin na din ako” paalam ni Kuya Nite at umupo na sa desk niya. Hinila naman ako ni Seth papasok sa loob.
“Babe?” uminit naman ang mukha ko dahil sa tawag niya sa akin.
“Ano ako biik?” natawa naman siya sa sinabi ko.
“Umayos ka na nga” natatawang sabi niya “Anyway, nandito tayo dahil may pag uusapan tayo” bigla naman siyang nag seryoso.
“Tungkol saan?” tanong ko.
“About Bianca of Carcino clan” Seth.
“Ok? What about her?” ako.
“Bianca was my girlfriend before” ouch! Kailangan talaga ikwento pa? pero nagpatay malisya na lang ako.
“And?” ako na kunyari interesado.
“Actually, haayy i don’t know how to explain this” tapos ay bumuntong hininga siya. Kumunot naman ang noo ko.
“Dali na ano nga?” pangungulit ko.
“She. She’s the one who killed my—my p-parents”
Na shock ako sa sinabi niya. Akala ko ba girlfriend niya? Eh bat niya pinatay? Ganun na ba magpakilala ang girlfriend ngayon sa magulang ng boyfriend niya?
“I’m only 15 years old nung naging kami ni Bianca. 3 days bago yung 16th birthday ko, nakita ko na lang si dad na nakabulagta sa sahig. May tali ang mga kamay at may tama ng baril sa ulo”
Tumingala siya para pigilan yung pagtulo ng luha niya.
“N-nung nakita ko siya, dun ako nakaramdam na gusto kong pumatay. Patayin kung sino man yung gumawa nun kay dad” nanginginig na yung boses niya “Pero nung nakita ko sa di kalayuan kung sino yung bumaril kay dad. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. There, I saw Bianca at may hawak na handgun and she’s evil smiling. Gusto ko siyang saktan pero di ko magawa because there’s still part of me na mahal ko pa rin siya.” Then he cry.
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya at gumanti naman siya ng yakap sa akin.
“Nag birthday ako ng nakaburol si Dad. May mga pulis nun para kuhanan kami ng statement, pero di ko sinabi na si Bianca ang bumaril kay dad. I don’t know pero ayaw ko siyang makulong”
Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko bago ulit nagsalita.
“2 weeks after ng libing ni dad, we heard mom scream. Lahat kami sa bahay, kaya dali dali kaming pumunta sa kwarto niya. We saw mom, nakabulagta na din siya sa sahig at may kutsilyo na nakasaksak sa leeg niya”
Di ko napigilan at naiyak na din ako. Grabeng sakit pala ang inabot nun ni Seth, he’s a great pretender. Kasi sa kabila ng nangyari nun sa nakaraan niya pinipilit niya pa rin na maging masaya.
“I don’t know her reason kung bakit niya ginawa yun and I don’t want to hear it anymore. I want to kill her, gaya ng ginawa niya sa magulang ko. I’m sorry Yuri” dugtong niya. Bakit siya nag sosorry?
“Sorry para saan?” tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.
Humiwalay muna siya ng yakap at hinarap ako.
“I’m sure, target ka na din niya ngayon. She will also kill you. Pero I promise I will protect you, you’re my happiness Yuri. Simula nung nawala ang mga magulang ko, ngayon na lang ulit ako sumaya ng ganito. Hindi ko siya hahayaan na saktan ka” then he kiss me on my forehead.
“Don’t be.” Sagot ko. “I love you Seth kahit nagkakilala lang tayo dahil sa arrange marriage natin. From the beginning na nakasama kita as Seth at Vince hindi mo ko pinapabayaan. Don’t worry about me, I’ll extra take care of myself” then we hug each other again.
![](https://img.wattpad.com/cover/19873798-288-k904061.jpg)
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AçãoOne guy with Two personality. Will you fall for him?